TV Patrol reporters binalikan ang malalaking ibinalita

Watch more shows on iWantv or TFC.tv
Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Kung anu-ano ang pinasok maihatid lamang ang pinakamaiinit na kuwento sa publiko.

Ilan sa kanila, naroon nang nagsisimula pa lang ang TV Patrol na binago ang istilo ng pagbabalita sa Pilipinas noong 1987.

“Para kaming napapaligiran ng kalesa, ‘yong lagatak ng kabayo dahil sa typewriter habang nagta-type sila Doris, ako, si Korina, ‘yong lamesa namin umuuga,” sabi ni Vic de Leon Lima.

“Kapag medyo malayo ang coverage, ang unang hahanapin mo before you go to the story is the telephone so you can phone in your slug,” sabi ni Apa Ongpin.

Habang ang iba naman ay sumuong sa mga hindi makakalimutang coverage na tumatak sa mga manonood.

“I did not realize naman na ‘yong cameraman had zoomed out so nakita pala ang buo kasi nandito naman ang tali sa baba. Maya’t maya, nalaman ko na lang na he did the full shot,” sabi ni Pia Hontiveros.

“Dumating kami ng Baguio. ‘Yong amoy na nga ng Baguio because of so many deaths parang amoy formalin na sa dami ng patay,” sabi ni Danny Buenafe.

Ilan lamang ito sa mga kuwentong ibinahagi ng mga naging Patrol ng Pilipino na hanggang ngayon ay hindi pa rin nalilimutan ang newscast na naging malaking bahagi ng kanilang mga buhay. Jeff Canoy, Patrol ng Pilipino

04/10/2012 11:05 PM