Anne, sumabak na sa rehearsals para sa concert

Watch more shows on iWantv or TFC.tv
Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Bagong taon na bagong taon, bumalahaw na ng kanta si Anne Curtis sa rehearsal para sa kanyang first big live show na "No Other Concert" itong darating na January 28 sa Araneta Coliseum.

Mas lumakas na raw ang kanyang loob na mag-concert dahil sa suporta ng kanyang daan-daan libong Twitter fans.

Aniya, “Sa lahat ng mga nag-comment sa Twitter after seeing the ‘TV Patrol’ feature, thank you so much, at dahil diyan mapapasama ang ‘Super Base’ sa list of songs ko sa concert.”

Mauuna ang Manila concert ngayong Enero ni Katy Perry kay Anne, pero wala raw rason para siya kabugin dahil kakaiba siyang concert performer.

“Ibang genre kami (laughs). Idol ko si Katy. Ano ka ba? Papanoorin ko muna si Katy bago ako,” pabirong sabi niya.

No other movie rin ang turing ni Pokwang sa kanyang launching solo movie na "A Mother's Story" na lalabas na sa mga sinehan sa January 8.

Sobrang emosyon ang hinugot ni Pokwang sa kanyang pagganap ng isang inang napilitang iwan ang kanyang pamilya nang 7 taon sa pag-TNT niya sa Amerika.

Sinasalamin din kasi nito ang kanyang karanasan bilang OFW na namatayan ng anak noon.

Kuwento niya, “’Yung character nu'ng Medy bilang nanay, bilang nasasaktan na magulang, bilang isang OFW na nalayo, ‘yon na lang ang inano ko kasi ako ‘yon eh.”

Pang-best actress daw ang pagganap ng komedyana sa pelikula, pero ani Pokwang, sapat nang karangalan na mapili siya ni ABS-CBN Chairman Gabby Lopez para sa project.

Ito rin ang unang inspirational project ng The Filipino Channel. Mario Dumaual, Patrol ng Pilipino

01/02/2012 11:35 PM