Ilang turista, namataang nagtatalik sa Boracay beach


Kilalang world-class tourist destination ang isla ng Boracay.

Bukod sa powder white sand sa beach, enjoy ang marami sa water sports at activities.

Pag gabi, all-out ang beach party. Inaabangan din ang mas bigating shows at concerts at para pangalagaan ang isla sa pagdagsa ng mga turista, pinaigting ang kampanya sa no-smoking at no-loitering sa beach simula nu'ng Disyembre.

Nitong New Year, nakakagulat ang mga eksena sa beach.

Alas-2 ng madaling araw, naabutan ng aming crew ang dalawang foreigner na nagtatalik sa sa mismong beach.

Maliwanag pa dahil sa ilaw mula sa mga hotel. Ang ibang nakakita-napahinto sa malaswang eksena.

May iba pang nakunan sa video na mga kontrobersyal na eksena ang aming camera: sa may bato sa may grotto, babaeng topless na nakikipaghalikan sa kanyang partner.

Ayon sa mayor ng isla na si John Yap, hindi nila kinukunsinti ang malaswang gawain pero inamin niyang walang batas para maiwasan ito.

"It's an isolated case, tsaka medyo uncontrollable naman iyan. Pero 'pag nakita naman ng pulis, hinuhuli naman iyon kasi it's a public scandal," sabi ni Yap.

"(We want) to have an ordinance na 'No sex in the beach' para hindi naman scandalous para sa ibang turista natin," dagdag niya.

Nagbabakasyon din noon sa Boracay ang aktres na si Ruffa Gutierrez.

Ikinabahala nya ang iskandalo lalo't madalas niyang kasamang magbakasyon ang mga anak sa isla.

"Bilang Pinay, I'm still very conservative kahit pa lumaki ako sa Amerika. Ayoko naman na gawin ng mga anak ko iyon, knock on wood, one day. So for me, it's just not right," sabi ng actress-host.

Bilang tugon, plano ng local government ang paghihigpit at paglalagay ng curfew  sa isla lalo na sa Holy Week o 'pag peak season.

Ipinagmamalaki ng bansa ang natatanging ganda ng Boracay kaya dungis sa lahing Pinoy kung mababahiran ang imahe nito dahil sa kalaswaan. Gretchen Fullido, Patrol ng Pilipino