‘Walang Hanggan’, simula na sa Enero 16

Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Sa tindi ng cast ng seryeng “Walang Hanggan," asahan na ang showdown sa pag-arte ng mga dekalibreng bituin ng iba’t-ibang henerasyon.

“Mayroon kaming scenes na sinampal niya ako tapos mayroon naman kaming scenes na kukunan na siya naman ang sasampalin ko,” kuwento ng aktres na si Helen Gamboa.

“Magaan na makatrabaho at inspired kaming lahat sa screenplay,” sabi naman ng aktres na si Susan Roces.

“Excited ako na bumalik ako rito sa ABS-CBN after 44 years,” sabi ng aktor na si Eddie Gutierrez.

Nalagay naman sa hot seat ang nagbabalik-tambalang sina Dawn Zulueta at Richard Gomez.

“Kung hindi sanga-sanga ang landas niya, oo naman aabot talaga ng walang hanggan [ang relasyon namin],” sabi ni Dawn.

“Kung kami ang nagkatuluyan, talagang ganoon ang mangyayari, walang hanggan,” ani Richard.

Malaking hamon din kay Melissa Ricks ang papel niya sa “Walang Hanggan.”

“Ako naman ang magmamaldita. Magbibigay ako ng sugar and spice and everything nice doon sa love story ni Coco,” kuwento ni Melissa.

Pagkakataon na rin ni Melissa na linawin kung bakit napaiyak siya sa kanyang birthday celebration sa “ASAP."

Marami ang nag-akala na ang ex niyang si Jake Cuenca ang rason.

“Hindi niya ako pinaiyak. It was just upsetting to me na it had to happen on my birthday na asarin na naman. I don’t find it funny anymore. I know he’s moving on, I’m moving on,” sabi ni Melissa.

Hindi na raw sila nag-usap muli ni Jake matapos ang insidente.

Pero sa tanong kung may nagpapatibok na ba sa kanyang puso, sagot ng aktres: “Iyan ang sikreto.”

01/11/2012 10:59 PM