Kris Aquino, hindi nagsalita ukol sa love lif

Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Victory party ang buena manong pagsalubong ng Queen of All Media Kris Aquino sa taon matapos maging blockbuster ang horror film niyang “Segunda Mano.”  

Pero bagong intriga din kay Kris ang kontrobersyal niyang "tweet" kung saan sinabi niyang bagay ang kuya niyang si President Noynoy kay Thai Prime Minister Yingluck Shinawatra.

“Ang kapal naman ng mukha ko ireto, sabi ko lang bagay sila,” sabi ni Kris.

Personal na nakilala ni Kris ang Thai prime minister sa Malacañang.

“Ginoogle ko habang nagla-lunch, eh nakita ko single. Sabi ko, 'This is it!  I-unite na natin ang Philippines and Thailand,'” sabi ni Kris.

Pero hindi na raw siya humirit pa kay President Noy.

“Hindi, kasi siyempre magagalit siya sa akin. Mapapanood na lang niya na pinagsasabi ko na naman ‘to. She was tall and ang ganda ng kutis, kasing kutis ko,” sabi ni Kris.

Kung si Kris ang masusunod, swak ang tambalan ng dalawang lider.

“Elegante talaga, may bearing. Sosyal naman ‘yun ‘di ba? Kung ang presidente ng Philippines at ang prime minister ng Thailand, parang na-unite tayo, so atin na ang lahat ng rice sa buong world,” sabi ni Kris.

Pagdating naman sa love life, biglang nagbago ang mood ni Kris.

Ilag din si Kris sa love life ng ex na napabalitang spotted kasama si Isabel Oli sa Sinulog sa Cebu.

“Wala, why should I comment? ‘Di ba kasi may kanya-kanya na kaming lives,” sabi ni Kris.

Naurirat din ng media ang kaso ng hiwalayan nila ni James Yap.

Pero, ito ang makahulagang pahayag ni Kris.

“Siguro a month from now, you’ll know why. By my birthday puwede na akong maging vocal,” sabi ni Kris. Marie Lozano, Patrol ng Pilipino

01/20/2012 9:50 PM