Annabelle, Nadia: bagong madramang paghaharap


Sa una'y tahimik ang pagkrus ng landas nina Annabelle Rama at Nadia Montenegro sa preliminary investigation ng kasong pagnanakaw na isinampa ni Annabelle laban kay Nadia sa San Juan Fiscal's Office.

Dedmahan sila hanggang matapos ang closed door hearing ni Fiscal Cristian Juanchon.

Pero sumiklab na ang gulo sa pahayag ni Nadia na natulungan pa niya si Annabelle sa pagbili niya ng hospital bed ng talent manager.

“There were even some things in her storage that I was able to help her sell. Nabenta ko ang mga hospital beds niya. I paid her cash for that,” sabi ni Nadia.

“Binayaran ang hospital bed? Kinuha niya wala siyang paalam sa akin,” sabi ni Annabelle.

Ayaw nang pumayag ni Annabelle na isoli ni Nadia ang mga gamit.

“Huwag mo na isauli, may mga germs na iyon. Wala akong nakuhang piso sa iyo. Ikaw may utang sa akin magbayad ka. Bakit ayaw niya bumaba?” sabi ni Annabelle.

Hindi na maawat ng mga abogado at staff ang pagwawala ni Annabelle sa parking lot ng San Juan Justice Hall.

“Lumabas ka! Huwag kang sinungaling. Lumabas ka!” paghahamon ni Annabelle kay Nadia.

Sa tindi ng galit, nagpumilit pa si Annabelle na siya ang mag-drive ng kanyang sasakyan para raw maipit niya si Nadia.

Sa payo naman ng kanyang abogada, hindi bumaba si Nadia.

Pero panibagong kasong grave oral defamation ang isinampa niya laban kay Annabelle.

“We will file the necessary action,” sabi ni Maggie Abraham, abogado ni Nadia.

“If she can do this here in court where we’re supposed to be equal, I don’t know what she can do when I see her outside. I am not scared of her but I am not like her. I just intend to continue protecting my kids and fight for what is true,” sabi ni Nadia.

Umapela din sina Nadia sa Quezon City Prosecutors Office na tapusin na ang pagdinig sa principal na child abuse case na sinampa niya kay Annabelle.

Giit naman ni Annabelle, lalabas din daw na sinungaling si Nadia.

“I’m telling the truth. Bakit niya binenta ang kama na hindi kanya? Sasabihin niya pa nakatulong siya sa akin?” giit ni Annabelle.

Sa February 6 ang susunod na hearing ng kaso. Mario Dumaual, Patrol ng Pilipino

01/30/2012 9:58 PM