Kris hindi bukas na makatrabaho si Joey Marquez


Hindi nagpaligoy-ligoy ang Queen of Talk Kris Aquino nang tanungin tungkol sa pahayag na ito ni Joey Marquez na bukas siyang makatrabaho muli ang ex.

“Sabi ko nga trabaho lang naman eh, so lahat ng puwede kong interview-hin, kung pumayag, [i-interview-hin ko]," sabi ni Joey.

“I’m not, kasi parang it’s such a part of the distant past, as far as I’m concerned. I don't want to open up old wounds that are better left healed, and I feel that it will do neither me or him any good,” sabi ni Kris.

Matatandaang taong 2003 naisapubliko ang mapait na hiwalayan nina Kris at Joey. Pero, paglilinaw ni Kris, ang pagtanggi niyang makatrabaho si Joey ay hindi indikasyon na hindi pa rin siya nakakapag-move on.

“It’s nothing negative ha, I don't wish him any ill will or anything like that. It’s just na I’ve reached a level of maturity siguro na gusto ko ng katahimikan,” pagkaklaro ni Kris.

Ang walang kagatol-gatol at paminsa'y kontrobersyal na pagsagot ni Kris sa mga isyu tila nakakatulong pa sa kanyang karir.

Kakatapos pa lang ng Enero, ibinunyag niyang dalawang endorsements na ang kanyang pinirmahan.

“I know it’s more than 25,” bunyag ni Kris. Marie Lozano, Patrol ng Pilipino

02/01/2012 11:07 PMBookmark and Share

2 comments

Why?

Kris has not forgotten the disease Joey transferred to her.


korek

Natawa ako pero korek ka dyan! hahahaha