PNoy inaming nagde-date sila ni Grace Lee
Noong isang linggo umugong ang balitang nakaka-date ni President Noynoy Aquino ang Korean TV host na si Grace Lee.
Pero hindi ito kinumpirma ng Malacañang.
Pero ngayon mismong si President Aquino na ang umamin.
“We are seeing each other,” sabi ni Aquino.
Isa pang malaking rebelasyon galing mismo sa presidential sister na si Kris Aquino: Ipinakilala na raw ni PNoy sa kanilang pamilya si Grace.
“My ate has met her. Hindi ko pa siya nakikilala but my ate has really nice words to say about her so I’m so looking forward to also meeting her,” sabi ni Kris.
Hunyo noong isang taon nang magkakilala sina PNoy at ang 28 anyos na host sa Cebu.
Noon pa man, hindi itinago ng bachelor president ang paghanga kay Grace Lee.
Pero tulad ng dati, hiling lang ni PNoy ibalato muna sa kanya ang privacy sa kanyang love life.
“I'll leave it at that and, kung pupuwede ano, baka ho... sa Constitution po natin may nakalagay na privacy eh. Baka puwedeng mabahaginan din ako ng karapatan na iyon under Article III," sabi ni Aquino.
Tila nauudlot kasi kapag nauungkat ang pribadong buhay ng mga babaeng nali-link sa Pangulo.
Pero ayon sa manager ni Grace na si Arnold Vegafria, buo ang loob ni Grace at handa sa intriga.
Halatang inspirado rin daw si Grace ngayon.
“Based on my observation with Grace, iba yung spark niya ngayon. Iba ang smile niya when she talked to me about this,” sabi ni Vegafria.
Pero sa ngayon ay tikom muna ang bibig ng sinasabing apple of the eye ni PNoy na ngayoy pinag-iinteresan ding makapanayam maging ng giant Korean networks. Marie Lozano, Patrol ng Pilino
02/01/2012 11:04 PM








▼ leaked photos and videos of grace lee ▼
▼ leaked photos and videos of grace lee ▼
kayo na mag judge if maganda sya
but it seem she looks good and higly educated
(The way she talks and the way she moves).
I have been to korea and koreans like japanese
mahinhin, maayos, malinis at hindi matalak
at hindi halakhak like karamihan ng mga
taga dito satin na walang poise
para sa mga highly educated at mayayaman.
meron daw the leaked photo and video?
baka nasa... hopefully andun pa at
vvvv magazine ph/lee
I dont; think Grace Lee is a real beauty
I've seen her picture without make-up and she just looks like an ordinary oriental girl,not really good looking. It's amazing how make-up and plastic surgery now can make a bigger transformation.
Camouflage
Camouflage lang yan. Hunks ang type ni Penoy.
Grace
Between Kris and Grace, Grace has more grace.