Angel at Phil, hindi pa 'opisyal' ang relasyon
Magkaibang pananaw sa relasyon ang mga karakter nina John Lloyd Cruz at Angel Locsin sa “Unofficially Yours.”
Hanggang sa tunay na buhay, magkaiba rin ang status ng buhay-pag-ibig ng dalawa.
“It’s been official for quite some time now,” sabi ni John Lloyd.
“Nandoon ‘yung love although ‘yung label at ‘yung status, ‘yun ‘yung isang malaking question mark,” sabi naman ni Angel.
Officially, nagkabalikan na muli sina John Lloyd at Shaina Magdayao, habang si Angel, masasabing unofficial pa ang estado ng relasyon sa football star na si Phil Younghusband.
Pero going strong ang star couple.
“Mas maganda kasi kapag pumasok ka sa isang relasyon ‘yung reading-ready ka na, ‘yung kaya mo na ibigay lahat,” sabi ni Angel.
“I love Angel more and more everyday,” sabi ni Phil.
Buwan din ng mga puso noong isang taon nang suntok sa buwan na mag-post ng mensahe sa Twitter si Phil na nagyaya ng Valentine’s date sa sikat na aktres.
At matapos ang isang taon, puno pa rin ng kilig ang relasyon ng dalawa.
At siyempre, espesyal ang palapit na Valentine's Day para kay Phil.
“It’s always sentimental. Angel will be happy no matter what I get her,” sabi ni Angel.
Pero baligtad naman ang status ng kapatid ni Phil na si James na inaming official na silang break ng non-showbiz girlfriend.
“I’m single. I’m just focusing on football and playing for my country,” sabi ni James.
Sa larangan nga ng pag-ibig, iba-iba ang kinahahantungan, official o unofficial man. Ginger Conejero, Patrol ng Pilipino
02/02/2012 9:10 PM







