Mommy Dionesia, magbabalik-showbiz
Matapos ang ilang buwang walang exposure sa media, balik-eksena na ngayon si Mommy Dionisia Pacquiao.
Siyempre pa, blooming ang ina ng Pinoy boxing champ sa kanyang pagharap sa ABS-CBN News. Naka-make-up at terno ang blouse, bag at maging sapatos niya.
Ikinuwento ni Mommy D ang nangyari sa kanya kaya nawala sa limelight.
“’Yung paa ko naglaki eh. Naglaki pati tiyan ko parang buntis. Parang buntis ako ng walong buwan na,” aniya.
Humingi rin siya ng pasensya sa publiko at media dahil sa pagtanggi sa mga interview.
Giit ni Mommy D, ayaw niyang makita ng mga tao na hindi maganda ang kanyang itsura, lalo pa't isa siyang commercial model.
“Takot ang mga kapitbahay ko na magtingin sa akin. Parang patay na ako eh, takot na sila eh, kaya nga hindi ako nag-publish sa TV. Nahihiya ako, namumutla na ang lahat ng katawan ko,” sabi niya.
Walang nakitang matinding karamdaman ang mga doktor kay Mommy D.
“Tuwang-tuwa talaga ang naggamot sa akin. Sabi niya, ‘Hahahaha magaling ka na. Magbalik ka na sa showbiz.'"
Hindi rin nakaligtas noon si Mommy D sa bali-balitang may nagpakulam umano sa kanya.
“’Yung tao na sobrang inggit sa akin, ang Panginoon na bahala sa kanila. Ang taong sobrang inggit, unti-unti mawawala sila, lalo pa silang maghirap.”
Ngayon, balak niyang ituloy na ang kanyang mga showbiz engagement kabilang ang nakabinbing concert kasama si Imelda Papin. Chat Ansagay, Patrol ng Pilipino, General Santos City
02/02/2012 10:45 PM








Enough
Can the media and showbiz stop talking about this Dionisia?
Her face alone makes me sick ! Galit siya kay Dra. Belo kasi hindi siya tinulungan na pagandahin ang mukha niya kahit magbabayad siya ng malaki.