James Ingram magko-concert sa Pilipinas


Isa sa mga tinuturing na hari ng love songs ang  multi-Grammy award-winning singer James Ingram na may post-Valentine’s concert sa bansa.

“Hi Manila. How are you doing? We love you,” pagbati niya.

Sa pamamagitan ng Skype interview, inalala ng singer ang pambihirang karanasan sa Pilipinas 10 taon na ang nakararaan.

Aniya, “Most places we go, we are accepted really good, but Manila is on another level. When I’m on stage, you can feel the vibrations coming at you. You know what I’m saying? And I just love coming there.”

Ilan sa mahabang listahan ng hits ni Ingram ang “Just Once,” “How Do We Keep the Music Playing” at “I Don’t Have the Heart.”

Makakasama ni Ingram sa concert sa February 17 sa Big Dome si Lea Salonga.

Bago ito, ise-celebrate ni Ingram ang kanyang kaarawan at wedding anniversary sa Pilipinas sa February 16.

At bilang patikim sa kakilig-kilig na gabi ng kantahan, game na nakipag-duet ang singer sa himig ng isa niyang love song.

May concert rin si Ingram sa February 17 at 18 sa Cebu. Ginger Conejero, Patrol ng Pilipino

02/03/2012 11:27 PMBookmark and Share