‘Happy, Yipee, Yehey’ ang bagong noontime show ng ABS-CBN


Puno ng kulitan at tawanan ang unang pagsasama ng 8 Kapamilya hosts para sa bagong noontime show na “Happy, Yipee, Yehey!”

Hindi na bago sa noontime slot sina Randy Santiago at John Estrada na matalik na magkaibigan mula pa noong kanilang MTB days.

Ang “Happy, Yipee, Yehey” naman ang nagsilbing daan para magkabati ang minsang nagkatampuhang sina Toni Gonzaga at Mariel Rodriguez.

Bukod kina Randy, John, Toni at Mariel, tampok rin sa show sina Bentong, YouTube star na si si Jobert, beauty queen turned comedienne na si Bianca Manalo at PBB Double Up big winner Melai Cantiveros.

Ngayon pa lang ay kabado na sina Bianca at Melai sa kanilang bagong break sa hosting. Kaya naman ngayon pa lang naghahanda na ang 2 sa pilot episode ng “Happy, Yipee, Yehey” sa February 12 sa Ynares Sports Center.

“Sa opening prod ko sa February 12 hanging na naman, so, gosh ‘di ba? Hindi ko maintindihan kung bakit,” sabi ni Manalo.

“Magpa-practice ako [mag-host] na dahan-dahan para maintindihan ako ng mga tao,” sabi naman ni Cantiveros.

Bukod sa mga bagong mukha ng noontime, kaabang-abang din ang iba't ibang laro at limpak-limpak na papremyo sa “Happy, Yipee, Yehey” at mga bagong galaw at sayaw ng katanghalian. Ginger Conejero, Patrol ng Pilipino

02/04/2011 10:26 PMBookmark and Share

4 comments

:)

Sana maconsider ng Abs si Bayani mag join ng program..Magaling si Bayani


new set please

Congrats sa bagong noontime show..but please introduce new games and new set please. the current one? which was used by PWNW ay so associated with revillame...to the creative team, please research naman for new games and pakulo...


Ridiculous

ABS-CBN can't come up with a better name for its new noontime show?

Really.

It sounds ridiculous.


I have one!

Should be "Minus Pokwy. Yehey!"