Annabelle 'di takot sa mga ikinaso ni Nadia
Namumulaklak ang bibig ng talent manager na si Annabelle Rama kaugnay sa palitan nila ng akusasyon at kaso ng dating aktres na si Nadia Montenegro.
Ngunit sa isang mahinahong panayam sa dzMM kanina, sinabi ni Rama na hindi siya takot at wala siyang sinasabi na hindi niya kayang panindigan.
“Marunong ako maging disente. Kapag ako ang inumpisahan ng kabastusan, talagang mas bastos ako sa kalaban ko. Wala akong kinatatakutang sasabihing baho tungkol sa akin. I really don’t care. Hindi ako natatakot,” sabi ni Rama.
Aprub din naman ang abogado ni Rama na nagsabing habang totoo ang mga paratang, okay lang ang mga ibinubulalas ng kanyang kliyente.
“Sabi nga ni Ma’am Annabelle nagsasabi lang tayo ng katotohanan dito. So hindi naman tama na patungan ng patungan ng kaso. Hindi naman [kami ninenerbyos] kasi basta noong nag-uusap kami, ang sasabihin namin ‘yung katotohanan lang,” sabi ni Atty. Howard Calleja.
Ayon kay Rama, nagsimula lang ang lahat ng hindi tumupad si Nadia sa talent contract ng mga anak nito.
“Gusto talaga niyang i-manage ang kanyang anak. Hindi naman siya nagpagod. May kontrata. She has to finish the contract kaso sabi naman niya, idedemanda naman niya ako dahil ang kontratang pinirmahan daw niya fake daw,” sabi ni Rama.
“Hindi ko akalain na sa lahat ng tulong ko sa iyo, ako pa ngayon ang masama. Ako pa ang idinemanda mo. Ito ba ang ganti mo sa akin sa ginawa kong tulong sa pamilya mo, sa anak mo?” dagdag pa ni Rama
Hanggang sa nagpatung-patong na nga ang mga kasong pagnanakaw laban kay Montenegro at child abuse na umabot pa sa attempted murder laban kay Rama.
“Murderer daw ako? Nadia, tignan mo nga ang beauty ko kung killer ba ako, 'day? Kung ako masamang babae, wala akong kuwentang babae, dapat matagal na siyang nawala sa akin. Until now nandiyan pa ang asawa ko. Ang dami kong demanda noong araw eh, trespassing, physical injury, libel. Kasi lahat ng mga babae ni Eddie (Gutierrez), titingin pa lang nananampal na ako. Noong araw iyon. Last time ko nagawa iyan that was 45 years ago pa. May nasabunutan akong isang starlet sa Greenhills. Gumugulong kaming dalawa roon, 9 months ang tiyan ko kay Ruffa (Gutierrez) noon. Hindi ko siya tinigilan hanggang hindi ko maputol ang mga kuko ko kakasabunot sa kanya kasi ayaw ko kasi na tinatapakan ang pangalan ko na hindi naman totoo,” sabi ni Rama.
Sinubukan namin kunin ang panig muli ni Nadia ngunit sinabi nito sa text na ayaw niyang magkomento hangga't ito’y dinidinig.
Nasa piskalya pa lamang ang kasuhan at wala pang naiaangat sa aktuwal na korte.
“Magsabi ka ng totoo at mag-sorry ka ng public sa akin na lahat ng mga sinasabi mo, dinemanda mo sa akin hindi totoo. Makakatulog ka ng mahimbing kung huwag ka mag-imbento ng kuwento,” sabi ni Rama.
02/06/2012 11:02 PM








omg! in what university her
omg! in what university her lawyer graduated? giving her an advice that it's okey to scream and treats the plainteff in the streets. I would be worry of thats the advice comming from a lawyer that say everything. i understand her since she has no class at all.
omg! in what university her
omg! in what university her lawyer graduated? giving her an advice that it's okey to scream and treats the plainteff in the streets. I would be worry of thats the advice comming from a lawyer that say everything. i understand her since she has no class at all.
▼ Footage ng dalawang gurang talak ng talak ▼
http://vwv matchwar com/annadia