‘It's Showtime’ umpisa na sa pagpapasaya sa tanghalian


May 37 star guests, 4 na bagong segments at halos 3 oras ng tawanan, kulitan at pasiklaban -- ito ang unang pasabog ng bagong noontime show na “It's Showtime.”

Benta sa mga manonood ang Sine Mo 'To, Singing V, Pitik-Bulag at Arte Mo.

Trending pa ito sa Twitter.

Todo-pasasalamat ng hosts ng “It's Showtime.”

“Never akong nakakita ng programa na ni-launch na ganyan ang suportang ibinigay ng buong network kaya maraming maraming salamat po,” sabi ni Vice Ganda.

“We hope that you’ll continue to support us as we make our adjustments. Bear with us because we are all adjusting. We just hope that you guys enjoyed all our new segments,” sabi naman ni Anne Curtis.

Sa first day, panay tukso na rin sa namumuong loveteam sa pagitan ng bagong hosts na sina Coleen Garcia at Ryan Bang.

Mainstay na rin sina Jhong Hilario at Philippine Volcano Eric Tai.

“Yung lakas ng tiwala sa amin, that made us feel a lot more privileged and honored para tuparin ang responsibilidad namin,” sabi ni Eric.

Nagsilbing debut din ngayong araw sa TV ng anak nina Gabby Concepcion at Jenny Sequia na si Cloie.

“It’s so much fun and I’m really blessed to be here,” sabi ni Cloie.

Ano man ang mga pagbabago ng programa, isang bagay ang hindi nawawala -- ang kakaibang samahan at kapamilya spirit ng “It's Showtime.” Ginger Conejero, Patrol ng Pilipino

02/06/2012 10:48 PMBookmark and Share

2 comments

It's Shortime!!!

Seen it yesterday. Sabog ang pilot episode nyo. Halatang minadali. Even Vice is a little uneasy doing the Singing V segment. I agree with the first poster, there's nothihg new. IMHO, mas maganda kung ni-retain na lang ito as a talent search show, i-enhahce na lang at lagyan ng gimmicks. Otherwise another casualty na naman ito tulad ng Sang Linggo nAPO Sila, Magandang Tanghali Bayan, Masayang Tanghali Bayan, MTB Ang Saya Saya, Wowowee, Pilipinas Win Na Win at Happy Yipee Yehey.


It wont show again

Well, nakita ko sa internet unang labas ng showtime..i'm not impress, it is a typical game show...walang ipinag-iba ng HHY, Willie show is still better than this, and EB still eat this show...nothing is good to this show...hindi nakapagtataka kung in 1 yr, magpapaalam na ulit itong mga host na ito...tsk tsk, kawawa kayo...they change your time and what people wants to watch ...sorry

JRR