Kris, handa sa mapangahas na eksena kasama si Robin


Sinorpresa ang February birthday celebrants na sina Kris Aquino at Anne Curtis matapos ang story conference para sa teleseryeng pagbibidahan -- ang "Kailangan Ko'y Ikaw."

Nakakagulat naman ang binitiwang pahayag ng leading man sa serye na si Robin Padilla patungkol sa kissing at love scene nila ni Kris.

“Mga maiinit na eksena ang magaganap. Huwag kang mag-alala, paghahandaan ko ito,” sabi ni Robin.

Ito’y sinagot naman ni Kris ng: “Puwede nang makipaghalikan ngayon.”

“Puwede na ba tayong mag-torrid na halikan, love scene?” tanong muli ni Robin.

“Yes. Why not?” sagot ni Kris.

Hindi nga uurong si Kris na nagbiro pang tatapatan ang eksena ni Anne sa blockbuster film na "No Other Woman.”

“Eh kasi tatlo naman ang anak namin dito. Paano naman kami nagkaanak kung wala namang love scene na naganap. This is TV. So how far can you really go? 'Yung far na far, hintayin na lang natin. May movie ako for that,” sabi ni Kris.

Matatandaang may 20 taon na ang nakalipas nang maugnay sina Binoe at Kris.

Ayon naman kay Kris, may limitasyon ang maiinit na eksena lalo't ito'y family drama tampok din ang child wonder na si Xyriel Manabat.

Dagdag ni Kris, bago siya sumabak sa mapangahas na role ay ipinaalam muna niya ito sa mga anak lalo na kay Baby James.

“Sinabi ko sa kanya na ‘Honey, when it’s front of the TV, you know it’s pretend.’ Kapag pretend okay lang,” sabi ni Kris.

Gigiling ang taping sa “Kailangan Ko’y Ikaw” sa February 21. Marie Lozano, Patrol ng Pilipino

02/06/2012 10:58 PMBookmark and Share

1 comment

▼ Footage ng kissing scene▼

Yuck ang reaction nya
kilig teenager
eh mga gurang na silang dalawa

http://vwv  showbiz  ph/kris-robin