Jon Santos, ginaya ang mga eksena ni Miriam


Ginawa nang katatawanan ang mga eksena ni Senator Miriam Santiago sa impeachment trial.

Sa launch ng kanyang show na "Love in 3-D," riot ang pagharap ni Jon Santos bilang senadora sa kanyang impeachment robe.

May crush din daw siya sa Senado.

Aniya, “Lito Lapid, hindi lang guwapo, makisig. Minsan lang naiinip ako kapag hinihintay ko si Senator Lito kasi ang mga sasakyan niya puro horsepower lang. Pero siyempre, biased ako. Ang pinakaguwapo sa Senado si Ralph.”

Hindi rin pinalampas ni Jon ang iba pang isyu at personalidad tulad ng relasyong PNoy-Grace Lee.

“Napasabi si PNoy ng, ‘Microwave ka ba? Isang minuto lang nag-init ako.’” aniya.

Hindi rin lusot ang favorite spoof subject ni Jon na si Korina Sanchez tungkol sa kanyang Valentine’s date.

Aniya, “Lilibutin namin lahat ng palengke. Alam niyo naman tuwing pupunta ako ng palengke nakikita ko ang pangalan niya—Farmer’s Market. Nandoon ang pangalan niya. Pero ang pinakapangarap ko talaga balang araw ay dalhin niya ako on a honeymoon date sa ibang planeta, ‘yung planeta niya. Alam mo kung ano ‘yon? Mars.”

Pero pinaka-metikuloso ang pag-impersonate niya sa iba't ibang emosyon ni Senadora Santiago at damdamin nito sa pag-ibig.

“Kapag nagandahan na kayo sa isa’t isa, that is Court of Appeals. Kapag todong-todong kayo na, that is the Supreme Court. Pero kapag sobra na kayong close, ibang court na ‘yon, Victoria Court na nga.”

Imbitado rin ang lahat ng kanyang i-i-spoof sa kanyang show sa February 15 sa Resorts World. Mario Dumaual, Patrol ng Pilipino

02/08/2012 9:50 PMBookmark and Share

2 comments

The guy is much too pretty

The guy is much too pretty compared to defensor. He is actually giving defensor the flattery she doesn't deserve. Perhaps, he could use one of those "pig's snout" for a good effect. And a deranged look on his face.

Just a thought.

Miriam, Makinig ka at Hinde pa huli ang lahat!!

Miriam, Makinig ka at Hinde pa huli ang lahat!!
Magaling ka nga sa juresprudence, pero mahina ka naman makitao. Tandaan mo na ang tao ay may feelings rin. Hinde sila mga bato o yerro sa mga sigaw-sigaw mo. Sila ay may damdamin rin na gaya mo. Pag sinaktan mo ang damdamin nila ay magtatanim ng masamang loob sa iyo. Gusto mo ba yon? Respetuhin mo sila at respetuhin ka rin nila. Gaya ng Golden Rule: “Do unto others as you would have them do unto you”. Ika nga.

Ang buhay ay parang weather-weather lang ang sabi ni kuya Kim ng ABS-CBN news. Mabuti at ngayon malakas ka sa pangangatawan at matalino pa. Huwag kang sikat kisyo mag swear ka na bilang International Criminal Court judge. One day magkaroon ka nang cancer o ma accidente o ma massive stroke. Possible yan at parati ka nang absent sa Senado dahil sa hypertension at yan ang napala mo sa pagka madaldal mo. Maswerte ka pa rin at mild stroke lang yan. Ay kong massive? baka ka pa mangiwi, ma paralyze dahil sa sobra mong daldal o galit. Ang tanong: Anong legacy ang iiwanan mo​? Pagka madal-dal na
politician, daldalirang empeachment judge at iba pa?

My advice to you Miriam, ay huminahon ka, keep your cool. Huwag kang arrogante, escandalosa, gregarious, abusive, dispicable, tactless, ruthless, at domineering. Relax at dahan dahan lang ang pananalita baka mahulog na yang posteso mo. Mapahiya ka pa sa madlang people. Hinde lang Pilipinas ang covered ng internet kundi boong mundo.

Huwag parating galit, parating stressed out, huwag kang highly strung. Na parang ikaw ang sikat diyan sa Senado. Tingnan mo ang kapwa mo senators mahinahon silang lahat except you and you alone na escandalosa. Hinde sila hina highblood na gaya mo at relax sila.

Kaya magbago ka na, basahin mong mabuti at isa-isahin mo ang mga negative comments sa iyo sa blog na ito. Gawin mong salamin ito, kung ano ang paningin at masamang feelings namin sa iyo ay ganon ka sa mga mata namin na hambog. Huwag kang mag provoke na magalit ang mga tao sa iyo. Hala ka, Miriam, ikaw rin at kawawa kanaman. Baka ka ma massive stroke at sumunod kay Iggy Arroyo. Sayang na sayang ang talino mo pa naman sa juresprudence. Kaya magbago kana at hinde pa huli ang lahat...