Mga artista, kani-kanilang mga eksena sa Araw ng mga Puso
Saktong Valentine’s Day ang premiere ng "Unofficially Yours," kaya naman malabong makasama ni Angel Locsin ang special someone niyang si Phil Younghusband na busy ngayon sa exhibition game sa Dubai.
Pero bago ang Valentine's, may regalo na si Phil na idinaan sa The Buzz.
“Alam mo ang sabi ko kay Phil? ‘Phil, can you find me someone like you?’” ang pagbibiro ni Boy Abunda.
Kinilig naman si Angel. “Siyempre masaya ako, 'di ba? Kaya sabi ko sa inyo, happy together nga talaga kami eh.”
Si Zanjoe Marudo, gusto naman ng kakaibang Valentine gimik para sa girlfriend na si Bea Alonzo.
“Adventure, para iba naman. Hindi ‘yong typical na ginagawa ng mga tao,” sabi ni Zanjoe.
May hinandang sorpresa rin si Billy Crawford para sa girlfriend na si Nikki Gil.
“May show kami ni Nikki sa Ayala [sa Valentine’s Day],” sabi ni Billy. “Ako na bahala doon [sa surprise]; malalaman niya na lang sa Feb. 14!”
Mas gusto naman ng bagong Kapamilya na si Iza Calzado na ‘wag sumabay sa Valentine’s Day.
“Actually. mas OK mag-celebrate not on the day itself, kasi hectic talaga, 'di ba?” sabi ni Iza.
Agosto nang aminin ni Iza na hiwalay na sila ng non-showbiz boyfriend, pero ngayon, hinay-hinay na siya sa pag-ibig.
“I'm dating,” ang pag-amin ni Iza. “[Pero] bawal daw mag-boyfriend sabi ni Ate Kris ng 26 weeks. Nakaka-1 week na, so 25 weeks na lang!”
Kahit naman Valentine’s Day, trabaho pa rin ang aatupagin ni Vice Ganda.
“Wala kasi may trabaho ako. May trabaho ako ng 13. [Sa 15], ay, baka mamatay na ako sa 15!” ang biro ni Vice.
Kuntento na raw si Vice na pasayahin ang mga lovers na manonood sa kanyang show. Gretchen Fullido, Patrol ng Pilipino
02/09/2012 10:02 PM







