Valerie, nag-pose sa Playboy; KC, Karylle nagpamasahe


Tuloy ang mapangahas na mga eksena ni KC Concepcion.

Matapos ng kontrobersyal niyang magazine cover, nagpamasahe naman si KC sa mga lalake.

Tinanggap ni KC at Karylle ang dare ni Marki Stroemm sa senswal na show nila ng G-Force.

Pa-sweet pa rin si KC pero hiyawan ang madlang people sa pagpayag ni KC na magpa-haplos sa massage bed.

Hanga naman ang breast cancer warrior na si Pinky Tobiano at iba pang cancer survivor sa ginawa nina KC at Karylle dahil mas pinatingkad nila ang breast cancer awareness campaign ng grupo.

Nagtipon naman ang 100 na models at bituin sa isang senswal na fashion show.

Rumampa sina Venus Raj, Lovi Poe, at iba pang seksing artista.

Kinuyog naman ng media sina Dra. Vicky Belo at ang nobyong si Hayden Kho.

Nakatakda nang ikasal ang dalawa ngayong taon.

Layunin ng okasyon na pag-isahin ang lahat ng talent agencies na nagsu-supply ng mga modelo at bituin sa mga komersyal at showbiz projects.

Wala namang pagsisisi si Valerie Concepcion na nagpakita rin ng kanyang alindog bilang Playboy cover girl.

Pero giit ng bituin ng “E-Boy,” walang kinalaman ang kanyang pagbo-bold sa pakikipag cool-off niya sa kanyang basketbolistang nobyo.

“It’s just that ‘yung timing lang talaga na tinawagan ako ng Playboy, right timing. Ito ‘yung pinaka-daring na ginawa ko,” sabi ni Valerie.

Sumasabay si Valerie sa pagbabalik ng sexy trend sa showbiz na nagtatampok din sa pagbo-bold ng bagong Viva Hot Babes na sina Jade Lopez at dating Bb. Pilipinas World na si Danielle Castano. Mario Dumaual, Patrol ng Pilipino

02/09/2012 10:53 PMBookmark and Share

2 comments

ganyan sa showbiz. di ka

ganyan sa showbiz. di ka sisikat kung di ka maghuhubad sa harap ng camera.


Super sexy photoshoot leaked in the internet

Http://vvvvv showbiz ph/playboy