Vicki Belo, nagpasabog ukol kay Hayden Kho sa Twitter


Kung noon, mailap ang celebrity stylist na si Liz Uy sa camera, handa na siyang humarap ngayon.

Pumirma si Liz ng 3-year talent contract sa VIVA.

Endorsement deals ang nakalinya para sa stylist.

Pero, pinagaaralan pa niya kung sasabak siya sa pag-arte.

“Acting? I don’t want to close naman my doors but right now I’m really happy with what I do, which is styling,” sabi ni Liz.

Ang latest, dine-date daw siya ng rock icon na si Ely Buendia.

Kumalat ang balita matapos tuksihin ang dalawa sa pag-slow dance nila sa birthday party ni Liz.

“Oh my gosh, ayoko sumagot anything about Ely Buendia. Um-attend lang siya sa party ko tapos may issue na. Nakakahiya naman sa tao,” sabi ni Liz.

Hindi rin nakaligtas si Liz sa isyu ngayon kay PNoy at Grace Lee.

Naikumpara kasing kamukha niya si Grace.

Dati na ring na-link kay PNoy si Liz.

“’Di ko naman siya kakilala, ‘di ko naman siya friend so I have no right to judge her,” sabi ni Liz.

Dinaan naman ni Liz sa biro ang naging pagbati niya sa Pangulo sa karaawan nito.

“Baka iba na naman ang angulo, ‘Liz Uy, binati!’ tapos may love triangle na kami,” biro ni Liz.

Tila nasasangkot naman sa isang love triangle ang engaged couple na sina Vicky Belo at Hayden Kho.

Sumabulat sa social networking site na Twitter ang pahayag na ito ng celebrity doctor na tinatawag ang pansin ng singer-actress na si Nancy Castiglione.

Ayon kay Vicky, binabasbasan na niya na lantarang mag-date sina Nancy at Hayden.

At sana raw ay maging masaya sila.

Agad naman umapila si Hayden na huwag munang humusga ang publiko.

Isa lamang aniyang ‘di pagkakaintindihan ang pinagdadaanan nila ni Vicki.

Hindi raw dapat masangkot ang publiko.

Hindi naman muna magbibigay ng pahayag ang kampo ni Nancy Castiglione.

Ayon naman kay Hayden, mahal pa rin niya si Vicki. Marie Lozano, Patrol ng Pilipino

02/10/2012 9:32 PMBookmark and Share

4 comments

▼▼▼Where is the Hayden katrina video scandal link ▼▼▼

Http://wvw showbiz ph/katrina-hayden


They deserve each other

They just live and breath publicity...after people are no longer talking about them, they will just dry out and die, figuratively i hope.


UNSOLICITED ADVICE TO VICKI BELO

PLEASE CUT WHATEVER RELATION YOU HAVE WITH HAYDEN KHO.
HE DOESN'T DESERVE YOU. HE IS JUST USING YOU.

Rodrigo Francisco

Hayden katrina video scandal link

Http://wvw showbiz ph/katrina-hayden