Whitney, tumamlay ang karera matapos madawit sa droga


Sobra ang payat at tila hirap kumanta. Ito ang itsura ni Whitney Houston na tumatak sa mga manonood ng tribute concert kay Michael Jackson noong 2001.

Sa panahon ding ito, umugong ang balitang nalululong sa droga ang legendary pop singer.

Ilang beses itinanggi ni Whitney ang balita. Pero sa interview sa kanya ng batikang anchor na si Diane Sawyer, inamin niya ang paggamit ng cocaine, marijuana at pills.

"Is it alcohol? Is it marijuana? Is it cocaine? Is it pills?" tanong ni Diane Sawyer.

"It has been, at times," sagot ni Whitney.

"All?"

"At times."

"Do you think of yourself as an addict?"

"I am addicted to a few things," ani Whitney.

Matapos ang maraming kontrobersiya noong 2006 tuluyan nang naghiwalay sina Whitney at asawang si Bobby Brown.

Sa mga sumunod na taon pilit niyang nagbabalik-eksena pero tila nawalan na ng kinang ang kanyang golden voice.

Sa Australian tour noong 2010, paubo-ubo at pumapalya na ang singer na abutin ang matataas na tono. Maging sa concert sa U.K., na-boo ng fans ang singer.

Noong Mayo 2011, muling nagpa-rehab si Whitney bilang outpatient dahil sa drug at alcohol problem. Hanggang sa nagdesisyon siyang magbalik sa pelikula sa “Sparkle” kung saan isa siya sa executive producer nito.

"How does it feel to be on set and doing your thing?" tanong kay Whitney sa isang panayam.

"Well, it's--I'm comfortable,” ani Whitney. “I've matured in so many ways, and my daughter is my greatest inspiration.”

Dumating na sa Los Angeles Airport ang kanyang dating asawang si Bobby kasama ang anak nila na si Bobbi Kristina na na-ospital sa matinding stress sa pagkamatay ng ina.

Pero ‘di lang ang mag-ama kundi buong mundo ang nagluluksa ngayon sa biglang pamamaalam ng isang music icon. Pia Gutierrez, Patrol ng Pilipino

02/14/2012 11:15 PMBookmark and Share