Annabelle kakasuhan ang anak ni Nadia
Dedmahan ang muling pag-krus ng landas nina Annabelle at Nadia sa closed-door na preliminary investigation ng Quezon City fiscal's office. Kaugnay ito ng kasong child abuse, libel at iba pang isinampa ni Nadia laban kay Annabelle.
“’Di ko siya nakikita (Nadia), nakikita ko lang mukha ng fiscal,” sabi ni Annabelle.
Nagpasalamat naman si Nadia na iniutos na ng prosecutor’s office ang tuluy-tuloy na pagdinig ng kasong pang-aabuso umano ni Annabelle sa dalawa niyang menor de edad na anak na kanyang mina-manage.
“This is for my children, my family,” ani Nadia, “to let the whole world know what the truth is.”
Pero ayon kina Annabelle, ipapabasura nila ang kaso.
Ani Atty. Howard Calleja, abogado ni Annabelle: "Dismissible ‘yung child abuse from the beginning, walang actual basis. Unang-una, hindi natin alam kung sino yung sinabing kasama. Number two, alam naman nating hindi ‘yun ginagawa ni Ms. Annabelle.”
Inihayag din ni Annabelle kakasuhan niya ng libelo ang anak ni Nadia na si Ynna Asistio na mina-manage din niya.
“Oo nga, headline pa nga eh [na sinabihan akong bugaw]. ‘Wag na siyang mag-deny, mag-explain na lang siya sa korte,” sabi ni Annabelle. “Wala siyang utang na loob, kung ‘di dahil sa ’kin, wala siya sa GMA ngayon. Kung ‘di dahil sa ’kin, ‘di siya makalipat bahay na magda-down siya ng 1 million. Kung ‘di dahil sa ’kin, ‘di siya makakakuha ng advance, at galing sa ’kin ‘yan.”
Agad naman itong sinalag nina Nadia at Ynna.
“Handa po ako na idemanda niya ako dahil sigurado po ako na wala akong ginamit na gano’ng word,” sabi ni Ynna. “Naaawa na ako sa mommy ko. Kung anu-anong sinasabi: ‘yung mga galing kami sa lupa, kung ‘di dahil sa kanya, napulot lang kami sa lansangan. Hindi eh, alam naman ng tao eh.”
Tiniyak ng Quezon City prosecutor's office, tatapusin nila ang imbestigasyon sa mga kaso bago mag-Holy Week. Mario Dumaual, Patrol ng Pilipino
02/15/2012 11:14 PM








utang na luob
as agent, it was annabelle's job to promote her client, nadia's children. annabelle did not just push her client to get hired, there was a need for them and that they met the criteria. sure, nadia's children got the job and got paid for it, but then, annabelle got her commission of say 10-15 per cent of the total pay. annabelle got paid for promoting nadia's children. so, annabelle should not be so beligerent.