EXCL: Mommy D nag-Valentine's kasama ang mga kaibigan


Dahil Araw ng mga Puso, naka-pula mula ulo hanggang paa si Mommy Dionisia Pacquiao.

Kahit walang ka-date, hindi pa rin pinalagpas ni Mommy D na i-enjoy ang Valentine's Day.

Kasama ang mga kaibigan, muli niyang ipinamalas ang kanyang husay sa pagsayaw.

Todo hataw sa dance floor si Mommy D.

“Every Tuesday may ballroom kami rito. Nasabay lang sa Valentine’s Day,” sabi ni Mommy D.

May mga regalo ring natanggap si Mommy Dionisia mula sa kanyang mga kaibigan.

“’Yung pinakamalaking teddy bear, ha ha ha, galing sa mga friends ko galing Polomolok,” kuwento ni Mommy D.

Magaan ang pakiramdam ngayon ni Pacmom dahil may kasagutan na ang matagal na niyang ipinagdadasal na pagretiro ng anak na si Manny sa boxing.

“Nagpapasalamat ako sa Panginoon. Maraming maraming salamat sa Diyos na magreretiro na siya,” sabi ni Mommy D.

Kasabay ng bawat indak at kembot ni Mommy D ay ang walang kapantay na regalong natanggap niya sa anak ngayong Valentine's Day -- ang tuluy-tuloy na pagbabago umano ni Manny Pacquiao. Chat Ansagay, Patrol ng Pilipino sa GenSan

02/15/2012 11:32 PMBookmark and Share