Aiko dumalo sa preliminary hearing sa kasong libelo
Dumalo ang aktres na si Aiko Melendez sa preliminary investigation ng kanyang libel case sa Department of Justice.
Patungkol ito sa paninira diumano ni Aiko sa kasarian ng ex-boyfriend niyang si Mayor Patrick Meneses.
Dawit din sa kaso ang showbiz columnists kabilang si Ogie Diaz.
No show naman si Meneses sa pagdinig.
Sa pagdinig, kinuwestyon din ng kampo ni Aiko ang isinamang joint resolution ng Bulacan Provincial Prosecutors Office na anila'y irregular at kahina-hinala lalo't inilipat na ang kaso mula Bulacan sa Maynila.
Umaasa si Aiko na mabilis na mareresolba ang libel case.
02/22/2012 11:12 PM







