Jeremy Renner, 'Bourne' team, binisita si PNoy


Nakikipagtawanan at kuwentuhan -- ito ang eksena kaninang umaga sa Malacañang habang naghihintay ng courtesy call sa Pangulong Aquino ang Hollywood actor Jeremy Renner at producers ng “Bourne Legacy” kasama ang mga miyembro ng Gabinete.

Masayahin at walang ere si Jeremy na nakasuot ng barong tagalog at gray cargo pants.

Pabirong tinanggi naman ni Jeremy na may talent din sya sa pagkanta gaya ng naipalabas sa ilang show sa Amerika.

Nang tanungin tungkol sa YouTube videos kung saan siya ay kumakanta, ani Jeremy, “Do you believe everything you see on YouTube?”

Maya-maya nagkadaupang palad na sina PNoy at ang Hollywood production.

Tumagal ng halos isang oras ang courtesy call. Nagpalitan pa ng regalo ang dalawang kampo. Niregaluhan si PNoy ng DVDs ng kampo nina Jeremy, habang ang presidente nagbigay ng tsokolate at mga libro.

Sa una at eksklusibong pagkakataon, ibinahagi ni Jeremy, napamahal na siya sa Pilipinas.

“Fantastic,” ani Jeremy nang tanungin tungkol sa kanyang karanasan sa Pilipinas. “Many things about the Philippines, I have [fallen in love with], yes.”
Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, hindi nagsisisi ang Hollywood production sa pagpili ng bansa kaysa Vietnam o Indonesia.

“Nagpasalamat ang producers at si Jeremy sa kooperasyon ng ating mga kababayan. Pinakita rin po nila na tama 'yung decision nila na sa Pilipinas, sa Metro Manila 'yung pagshu-shoot ng ‘Bourne Legacy,’” sabi ni Tolentino.

Huling anim na araw na lang ng shooting ng “Bourne Legacy” sa Maynila. Matapos ito, didiretso sa New York City si Jeremy para sa shooting ng susunod niyang pelikula. Ginger Conejero, Patrol ng Pilipino

02/22/2012 10:50 PMBookmark and Share

1 comment

PNOY- KINILIG KAY JEREMY

Tama nga ang sabi ng iba noong election pa.Bakit ka boboto sa isang tao na ang mismong buhay niya at hindi ayos o magulo.Ngayon ko lang naintindihan na mahirap talaga ang isang Pangulo ay nakapagduda ang kanyang kasarian. At isang pagpapatunay na ang pamilyang ito ay napakagulo.Isa akong tagasuporta ni NINOY AQUINO at naniniwala na ako na ang isang anak ay puwedeng hindi pareho nang isang ama.Sa makatuwid ang tao ay iba-iba talaga nang buhay at pagkatao.