Ilang 'Showtime' hosts, binansagang best-dressed
Sentro ng atensyon ang magkahawig na mag-amang Cesar Montano at Diego Loyzaga sa premiere ng comeback movie ni Buboy na “Hitman,” debut action movie din ito ng anak niya sa dating aktres na si Teresa Loyzaga.
Nilinaw ni Cesar, hindi niya diniktahan si Diego na gawin nang Diego Montano ang kanyang screen name.
“Humingi ako ng permiso sa kanya. Sabi ko hingi ka ng permiso sa mom mo, sabi niya wala namang problema ‘yan. So nagbigay siya ng green light,” sabi ni Cesar.
“Totoo naman ang sinabi ng dad ko na mas feel ang Montano sa action imbes na Diego Loyzaga, so we’ll see how the fans react,” sabi ni Diego.
Inihayag na rin ni Cesar na inaayos na ang napipinto niyang pagbabalik sa ABS-CBN.
“I’m looking forward to it. Masarap bumalik. Nakaka-miss nga eh, dahil noong nag-guest lang ako, sabi ko ito ang dati kong dressing room, nakaka-miss na,” sabi ni Cesar.
Pinangalanan na ng Yes magazine ang top 10 best dressed stars.
Nangunguna sa listahan ng Yes magazine March issue sina Anne Curtis, Gretchen Barretto, Dawn Zulueta, Piolo Pascual at John Lloyd Cruz.
“I like the title that they gave me, “The Chameleon.” Nagde-denim shorts lang and T-shirt, but thank you kasi kinonsider niyo pa rin ‘yun as stylish,” sabi ni Anne.
Pasok din sina Iza Calzado, Kim Chiu at Lucy Torres-Gomez.
Sorpresang napili sina Vhong Navarro at Vice Ganda.
“Nagulat din ako kasi ang way of dressing ko ay wild and flamboyant. Parang hindi naman madaling i-appreciate ng lahat pero na-appreciate din kaya thank you,” sabi ni Vice.
“Parang namalikmata eh. Nadaan daw sa pananamit. Kaya nga naniniwala ako na kung hindi ka guwapo, dahil sa pananamit. [Ka-level ko na si John Lloyd at Piolo] sa pananamit, pero hitsura hindi,” sabi ni Vhong. Mario Dumaual, Patrol ng Pilipino
02/22/2012 11:17 PM







