Nora Aunor, balik-Pilipinas na


Sinalubong ang superstar na si Nora Aunor ng kanyang mga die-hard fans sa pagdating nito mula sa Amerika kaninang umaga sa Terminal 2 ng NAIA.

Isang buwan ding nawala si Ate Guy para ipaopera ang lalamunan.

Agad namang napansin ng media ang pagbabago sa boses ng superstar.

“Mababa lang talaga kasi ang boses ko,” sabi ni Nora.

Ayon kay Ate Guy, hindi natuloy ang operasyon.

“May prosesong ginawa. Pagkatapos ng operation saka mag-vo-voice therapy sa New York. ‘Yun ang sabi,” sabi ni Ate Guy.

Bago magbalik-trabaho, babawi muna si Ate Guy sa panahong nalayo sa pamilya.

Ayon kay Lot Lot de Leon, miss na niya ang mommy na huling nakasama noong Pasko.

“Kahit na medyo busy ang schedule, magagawan ng paraan para magkita,” sabi ni Lot Lot.

Isang victory party naman ang ginanap kagabi para sa tagumpay ng Metro Manila Film Festival (MMFF).

Binigay ang mga cash prize sa ibat-ibang winners na sina Maricel Soriano na best actress para sa “Yesterday, Today and Tomorrow,” John Regala para sa “Asiong Salonga” at Imee Marcos, producer ng best indie movie na “Pintakasi.”

Naging sentro ng atensyon naman ang MMFF best child actor na si Bugoy Carino, na pinamalas ang brilyo niya sa pagsasayaw.

Ibinunyag ng MMFF na kumita ito ng mahigit P636 million. Marie Lozano, Patrol ng Pilipino

02/24/2012 11:04 PMBookmark and Share

1 comment

Behave!

Ate Guy, behave this time in your golden years and in your last hurrah. Abangan!

sanjoro