‘Piliin Mo ang Pilipinas’ patok online

Watch more shows on iWantv or TFC.tv
Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Ibinibida ang magagandang tanawin at destinasyon sa higit 7,000 isla ng Pilipinas. Iyan ang tampok sa music video ng Choose Philippines na ngayon ay isa nang YouTube sensation.

Inawit ito nina Angeline Quinto at Vince Bueno at ginawan din ng pambihirang interpretasyon ng “Pilipinas Got Talent” finalist na El Gamma Penumbra.

Mula rito, kaliwa’t kanan na ang mga in-upload na video presentation ng “Piliin Mo ang Pilipinas” sa mga eskuwelahan at dance at theater group, tulad ng Batangas State University na pinamalas ang kulturang Pinoy sa harap ng bumisitang Korean exchange students.

Hindi naman papahuli ang isang choir mula sa Mandaluyong City na gumawa pa ng sarili nilang areglo ng “Piliin Mo ang Pilipinas.”

Sa isang video, ginamit ng Pinoy delegation sa 38th Ship for Southeast Asian Youth Programme 2011 ang kanta para sa pag-promote sa Pilipinas.

Pinasayaw nila ng mga youth leaders mula sa iba’t-ibang bansa sa Asya tulad ng Japan, Thailand at Cambodia sa tunog ng “Piliin Mo ang Pilipinas.”

Nagsimula sa isang simpleng paraan na itaguyod ang ganda at yaman ng bansa, ang theme song ng "Choose Philippines" ay naging daan upang ang kabataang Pinoy ay piliin ang Pilipinas. Gretchen Fullido, Patrol ng Pilipino

03/28/2012 11:04 PM