Amalia, Annabelle inungkat ang dating alitan

Watch more shows on iWantv or TFC.tv
Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Sumiklab na ang iringan sa pagitan nina Annabelle Rama at movie queen na si Amalia Fuentes. Hindi nagustuhan ni Amalia na nakapula raw si Annabelle sa pagdalaw sa burol ng kanyang mister. Nagpa-Patrol, Mario Dumaual. TV Patrol, Abril 3, 2012, Martes

Holy Week na Holy Week, pero nagliliyab ang Twitter world sa patutsadahan nina Annabelle Rama at Amalia Fuentes.

Ugat ng kontrobersiya ang pagbatikos ni Amalia sa pagpunta ni Annabelle sa burol ng asawa ni Amalia na si Joey Stevens sa Sanctuario de San Antonio sa Forbes Park, Makati, suot umano ang pulang damit na hindi angkop sa pagluluksa.

Pero ayon kay Annabelle, orange ang suot niya. Nagpunta raw siya sa burol bilang respeto kay Stevens na kaibigan niya, at makiramay sa mga anak nito na sina Liezl Martinez at Jeric Stevens.

Ayon kay Annabelle, dati nang may galit sa kanya si Amalia. Ito'y dahil hindi raw niya sinabi kay Amalia ang nalalaman niya sa relasyon umano ni Stevens sa isang Cebuana na naanakan niya.

Matatandaang naghiwalay sina Amalia at Stevens noong 2007 at nasundan pa ng mga kasong libelo at legal separation.

Dagdag ni Annabelle, hindi rin daw matanggap ni Amalia na masaya ang naging buhay nila ni Eddie Gutierrez na ex ni Amalia.

Pero banat ni Amalia, wala siyang gustong maging kaugnayan pa kay Eddie kahit ito ang huling lalaki sa daigdig. Ayon pa kay Amalia, galit sila ni Stevens kay Annabelle noon pa dahil siniraan nito si Stevens kay FPJ noong 2004 presidential campaign.

Papalagpasin lang daw ni Amalia ang Semana Santa at magsasalita pa siya nang todo sa mga susunod na linggo. Hindi naman daw ito uurungan ni Annabelle. Mario Dumaual, Patrol ng Pilipino

04/03/2012 9:22 PM