EXCL: Baron itinangging muli siyang umiinom

Watch more shows on iWantv or TFC.tv
Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Natapos man sa rehab, nagsisimula pa lang ang kalbaryo ni Baron Geisler kasabay ng kanyang pagbabagong-buhay. Hinarap ng aktor ang isyu na muli siyang umiinom ng alak at ang lagay ng kanyang mga kaso. Exclusive, nagpa-Patrol, Marie Lozano. TV Patrol, Abril 4, 2012, Miyerkules

Hindi madali ang mag-bagong buhay lalo’t nakatutok ang mata ng publiko.

Kamakailan, naintriga muli si Baron Geisler na nakitang umiinom ng alak. Inamin ngayon ni Baron, nakadalawang beer siya sa isang bar.

“Bakit, hindi naman ako nagkalat ah. Nakakagalit kasi parang, can you guys give me a break? I was just in this bar. I’m a human being, I need to go out also,” sabi ni Baron.

Pero hindi raw siya muling nawawala ng landas. Natuto na raw siya sa pinagdaanan at umiiwas balikan ang pinakamababang punto ng buhay noong isang taon kung saan walang-wala siya.

“Last year naubos lahat ng pera ko. And for the very first time, hindi ko ma-afford ‘yung bagay na simple lang,” ani Baron.

Pero hindi raw niya pinagsisihan ang mapait na sinapit.

“’Yung pagtitiwala ko sa Diyos nandiyan eh, pero ito ibang klase. Araw-araw there is a reason for me to do better,” dagdag pa nito.

Sa pagbalik niya sa showbiz, gusto ni Baron na ayusin ang lamat sa relasyon sa industriya.

Nagkabati na sila ng aktres na si Yasmin Kurdie na kinasuhan siya ng pambabastos. Nasa korte pa rin aniya ang kaso ng pamilya Martinez laban sa kanya.

“Actually ‘yun na lang po ‘yung hinihintay ko eh. Wala na ako sigurong mga strongholds. I’m free at last. I can really concentrate na on doing better,” sabi ni Baron.

Pero pinakamatimbang ang mapatunayan niya sa sarili na kaya niyang magbagong buhay. Marie Lozano, Patrol ng Pilipino

04/04/2012 10:46 PM