Amalia Fuentes, nagsalita ukol sa mga isyu

Watch more shows on iWantv or TFC.tv
Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Marso 29 nang pumanaw dahil sa lingering sickness o nakamamatay na sakit si Joey Stevens, asawa ng artistang si Amalia Fuentes.

Nasa Tali Beach, Nasugbu, Batangas kaninang umaga si Amalia kung saan siya'y nagpapahinga matapos ilibing ang asawa.

“I am here right now, a lot of medication on a Holy Week retreat, because as you know, I just buried my husband last Tuesday and Wednesday I came up here to find peace, to find solace,” sabi ni Amalia.

Ngunit nakaburol pa lamang si Stevens nang nagsunod-sunud ang mga isyu na pumaligid kay Amalia.

Nariyan ang sinasabing ibang pamilya umano ni Stevens--na alam ng publiko ay apat na taon nang hiwalay kay Amalia.

“Hindi nga niya inaamin ‘yun eh, as a matter of fact she wasn't there with him sa dying moments niya. And she has been texting the son and threatening bodily harm at kung anu-anong mga threats. In fact even during the wake here they were prepared for her na baka nga mag-iskandalo. I can say on record that he denied it,” sabi ni Amalia.

Ngayon lang din inungkat ulit ni Amalia ang dahilan kung bakit hanggang sa namatay na ang asawa ay hindi pa rin niya ito napatawad sa kasalanan at dahilan ng kanilang paghihiwalay.

“It's not actually the act that I condemn but it's the betrayal. Up to his dying day, his son and everybody else around him wanted to know if that son was allegedly 'son,' mine-maintain niya up to his dying moment na conscious siya na hindi niya anak ‘yon. Kaya masakit na masakit sa akin kasi nga nagkaanak siya and at his age he should know better,” sabi ni Amalia.

Sa panayam sa dzMM, idiniin ni Amalia na ayaw niya muna umanong patulan ang iringan nila ng talent manager na si Annabelle Rama na dumating sa burol ni Stevens at siya umanong nagpasabi kay Amalia na may iba na ngang babae si Stevens sa Cebu.

Ngunit nagpapalakas lamang daw si Fuentes at nangakong hindi puwedeng hindi niya kumprontahin si Rama.

“My emotions are not ready to deal with her on her level at salitang maiintindihan niya at maiintindihan ng kanyang followers. It’s hard to go down to her level but I will, I can do it, I've been there before,” sabi ni Amalia.

Buong pag-aakala ni Amalia na mauuna pa siyang mamatay sa asawa na parati namang maayos ang kondisyon at ito raw ay aral para sa ating lahat.

“We never can tell when God is ready for us and He calls for us that's why I believe now that we should always be ready,” sabi ni Amalia.

04/10/2012 11:40 PM