Cristine Reyes ipinasilip ang bagong bahay


Ipinagmalaki ng controversial star na si Cristine Reyes ang kanyang multi-million Parañaque property sa YES! Magazine.

Emosyonal si Cristine sa isyu ng pagwalay niya sa poder ng ina na nakatira ngayon sa isang townhouse sa Batasan, Quezon City.

Ang nasabing townhouse ang sentro ng pinansyal na sigalot ng ate niyang si Ara Mina na nagdemanda sa kanya ng libel at pananakot.

Ibinunyag naman ni Cristine na gusto niyang maging international flight attendant at mag-aral sa New York.

Binigyan si Cristine ng Quezon City fiscal na sagutin ang reklamo ni Ara sa loob ng dalawang linggo. Mario Dumaual, Patrol ng Pilipino

04/24/2012 10:37 PM