Nancy hindi apektado ng pagkakaugnay kay Hayden

Watch more shows on iWantv or TFC.tv
Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Balik-spotlight ang kontorbersyal at dating model-host na si Nancy Castiglione.

Na-corner si Nancy kaugnay sa diumano’y pagiging third party sa hiwalayang Dr. Vicki Belo at Hayden Kho.

“Let’s not go there naman... My life stayed the same, I went to work at 9 to 5 being a broker, I went home being a mother so nothing really changed. I don’t know with anyone else but I didn’t pay any attention,” ani Nancy.

Ibinato rin kay Nancy ang kumakalat na litrato sa Internet na magkasama sila ni Hayden sa The Fort.

“No. I don’t know because I haven’t seen the photo but I don’t remember ever going to The Fort unless it was with my clients for cocktails,” sabi ni Nancy.

Wala raw planong magbalik sa showbiz si Nancy dahil prayoridad daw niya ang pagiging mabuting maybahay.

Masaya naman ang one-day experience na maging crew ng isang fastfood chain ang young actor na si Enchong Dee.

“Dream come true na aabot na sa labas 'yung pila, dream come true rin kasi hindi na ako 'yung bumibili, ako yung nagse-serve sa mga tao,” sabi ni Enchong.

Isa lang ito sa bagong endorsements ni Enchong na kamakailan lang din ay naihanay sa kilalang sports celebrities.
 

04/25/2012 12:54 AM