Anne nanalo ng acting at singing award


Mga pinakasikat, pinakamahuhusay at pinakamakikinang na bituin ang nagsama-sama sa 43rd Guillermo Mendoza Awards.

Pero ang spotlight ay nakatutok sa Box Office Queens na sina Anne Curtis at Cristine Reyes at Box Office King na si Derek Ramsay para sa hit movie na “No Other Woman.”

Pero ang hindi inaasahan ni Anne ay ang award bilang Most Popular Female Novelty Singer.

“I’m so happy. Ang hindi ko talaga ini-expect ‘yung novelty singer. Pak na pak for 2012,” sabi ni Anne.

'Unkabogable' naman si Vice Ganda bilang Phenomenal Box Office Star at Male Concert Performer of the Year.

Box Office Tandem naman sina comedy queen Ai-Ai delas Alas at Vic Sotto.

Kinilala rin sina Eugene Domingo at John Lapus bilang Comedy Actor and Actress of the Year at Best Film Director si Wenn Deramas.

Female Concert Performer of the Year si Toni Gonzaga.

Recording Artists of the Year sina Angeline Quinto at Christian Bautista, na dumating kasama ang girlfriend.

Most Popular Loveteam in Movies and Television sina Erich Gonzales at Enchong Dee.

Pero inamin ng aktres na may dine-date siyang iba.

Prince and Princess of Philippine Television naman sina Coco Martin at Kim Chiu habang Prince and Princess of Philippine Movies sina Gerald Anderson at Sarah Geronimo.

Film Actor of the Year si Aga Mulach ng “In the Name of Love” habang Film Actress of the Year ang co-star na si Angel Locsin.

“Ang kinaibahan lang noong nag-shooting kami, single siya. Ngayon na tumatanggap siya ng award, may kasama na siya,” sabi ni Aga.

“Sobrang saya dahil ‘In the Name of Love,’ sobrang mahal na mahal namin ang pelikulang iyan,” sabi ni Angel.

Kinilala rin ang mga programa ng Kapamilya network.

Kabilang sa special awardees si apl.de.ap na ginawaran ng Global Achievement by a Filipino Artist. Ginger Conejero, Patrol ng Pilipino

04/30/2012 10:53 PM