EXCL: Sarah glamorosa at senswal sa pictorial

Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Bagong imahe ang pinatingkad ni Sarah Geromino sa latest niyang pictorial – senswal, sopistikada at glamorosa.

Kasunod ito ng mas mapangahas niyang production numbers sa top rating na “Sarah G Live!”

Pumapayag na si Sarah sa mga pagbabago sa kanyang career lalo pa't darating na ang bagong kabanata sa kanyang buhay.

“Maayos na po ang lineup ng songs. Abangan po niyo ang aking birthday concert on July 7 at the Araneta Coliseum,” sabi ni Sarah.

Aminado naman si Pokwang, masakit na hindi na siya nagho-host ng noontime show.

Pero napalitan naman ito ng malalaking pelikula tulad ng pang Mother’s Day niyang pelikula na "The Mommy Returns" kung saan natupad ang pangarap niyang halikan ang idolong si Gabby Concepcion.

Malaking karangalan din kay Pokwang na makasama si Vilma Santos sa drama horror ni Chito Roño na “The Healing,” kung saan may mahalaga siyang papel.

Starstruck pa rin ang komedyana sa Star for All Seasons na may mahalagang payo sa kanya.

“Pokie, sa lovelife hindi naman pinaplano iyan pero kapag dumating iyan hindi ka na makakakibo. This is it,” sabi ni Vilma.

Sunod namang itatampok si Pokwang sa inaabangang primetime fantaserye na “Aryana.”

Nagpapasalamat lang si Pokwang na nakapagpundar na siya ng malaking bahay sa harap ng walang katiyakang takbo ng showbiz. Mario Dumaual, Patrol ng Pilipino

04/30/2012 10:16 PM