Binoe, nagpaalala sa pamangking si Daniel Padilla

Watch more shows on iWantv or TFC.tv
Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Hindi maipaliwanag ni Robin Padilla ang katuparang nadama niya sa kanyang pag-akyat ng Mt. Apo kamakaialan.

Isang araw lang ang binuno ni Robin para maabot ang highest peak ng Pilipinas.
 
“Para sa ating mga kababayan, kapag nangarap tayo, kahit gaano kataas ‘yan, kahit anong harang ang nandiyan, kung buo ang loob mo ay maa-achieve mo,” sabi ni Robin.

Dapat din daw subukan ng kanyang mga Kapamilya na makarating sa Mt. Apo.

Panatag naman ang loob ni Robin sa relasyon niya sa kanyang mga kamag-anak, sa harap ng hinanakit umano sa kanya ni Rustom Padilla o BB Gandanghari.

“Siyempre masakit ‘yun, kapag alam mo mayroong hindi nakaka-accept sa’yo, but of course I do understand. But it still hurts,” sabi ni BB.

”Mayroon tayong kalayaan sa pag-iisip at opinyon. Hanggang hindi tayo nagkakasakitan nang pisikal, eh ayos lang lahat iyan. Lahat iyan ay katanggap-tanggap,” sabi ni Robin.

Sa kabilang banda, buo ang pagmamalaki ni Binoe sa sumisikat niyang pamangking si Daniel Padilla.

Anak siya ni Rommel Padilla pero mas namana 'ata ni Daniel ang galaw at karisma ni Robin.

“Lahat ng suporta namin ay nasa kanya, ang pinaka-importanteng paalala, ang kasikatan hindi nilalagay sa ulo ‘yan,” sabi ni Robin.

Tiwala si Robin, patuloy pang papatingkarin nina Daniel, ang isa pa niyang pamangking si Bela Padilla, gayundin ng kanyang mga anak na sina Queenie at Kylie, ang showbiz name na inumpisahan ni Jose Padilla. Mario Dumaual Patrol ng Pilipino

 

05/05/2012 12:02 AM