Ai-Ai, Vice nagkaayos sa party ng Channel 2 head

Watch more shows on iWantv or TFC.tv
Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Buhos ang mga bituin sa birthday party kagabi ni ABS-CBN Channel 2 head Cory Vidanes sa Makati.

Ipinagdiwang ni Vidanes ang kanyang 50th birthday kapiling din ang mga katrabaho sa Kapamilya network.

Binalik naman nina Joey Marquez at Richard Gomez ang panahong pare-pareho pa lang silang nag-uumpisa sa showbiz.

“Nu’ng 1985, ‘yung first TV guesting si Tita Cory ‘yung PA namin noon. Through the years, Tita Cory has been very nice to me. She’s very special,” sabi ni Richard.

“Sa ‘Palibhasa’ para kaming naglalaro, magkakaibigan lang lahat,” sabi naman ni Joey.

Humabol din sina Vice Ganda, Iza Calzado, Vina Morales, Gina Pareno at iba pang bituin.

Ikinatuwa rin ang pagdating nina Randy Santiago at si Zsa Zsa Padilla na panatag na ang loob sa bumuting kundisyon ng partner na si Dolphy.

Sentro rin ng atensyon sina Kim Chiu at Xian Lim; Christian Bautista at nobyang si Carla Dunareanu; ang magkasintahang sina Cristine Reyes-Rayver Cruz; at si Ai-Ai de las Alas kasama ang bago niyang boyfriend, si Jed Salang.

Nakunan din ang pagkakasundo nina Ai-Ai at Vice Ganda.

Pero gabi talaga ito ni Vidanes na pinakita ang tibay ng pamilya at pagkakaibigan sa pagdaan ng panahon.

Biro pa niya, dapat lang na mas maganda siya ngayong golden girl na siya.

“She changed for the better, she's so sweet. I just pray that she will have more strength, inner peace and the wisdom to carry on with God's purpose for her life,” sabi ni Coney Reyes.

Mas handa na ring harapin pa ni Vidanes ang marami pang hamon sa larangan ng telebisyon. Mario Dumaual, Patrol ng Pilipino

05/16/2012 11:51 PM