Lucy hindi nagseselos sa mga eksena nina Richard at Dawn

Watch more shows on iWantv or TFC.tv
Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Ito ang nakakakilig na eksena nina Richard Gomez at Dawn Zulueta kagabi sa “Walang Hanggan” na nagbabadya nga ba ng pagbabalikan ng mga karakter nilang sina Marco at Emily?

Tila pinagsakluban naman ng langit at lupa ang karakter ni Rita Avila sa eksenang matagal na niyang kinakatakutan.

Sa makatotohanan nilang pagganap, natanong na tuloy ng media ang misis ni Richard na si Kongresista Lucy Torres kung nagseselos na siya sa mas tumitindi pang chemistry ng kanyang mister at ni Dawn, na dating naging girlfriend noon ni Goma.

“It’s nakakakilig na the last [film] they did together was 20 years ago as a love team, and the chemistry with Dawn is still very much there. It’s palpable, and it’s just wonderful,” ani Lucy.

Kung natutuwa si Senator Sotto sa karakter ng misis niyang si Helen Gamboa bilang Donya Margaret, suklam na suklam naman ang anak nila na si Apple Sotto sa karakter. ‘Di raw niya akalaing tatanggapin ng kanyang ina ito.

“Ayoko siya. Nobody likes her, but no, okay lang, it shows mom’s versatility as an actress, and I’m really proud of her. It’s very convincing because everybody gets so inis with her,” sabi ni Apple.

Tiyak kakamuhian pa si Margaret sa kanyang pagko-kontrabida.

Aabangan naman ang maraming pang halik tungo sa pagkabuo muli ng relasyon nina Dawn at Richard. Pero handa na si Kongresista Lucy dito.

“I never faulted him for being in a business that allows him to kiss other women, ‘di ba? ‘Yun talaga ‘yung trabaho. For me, it’s just work,” sabi ni Lucy.

Aabangan naman sa susunod na mga kabanata ng “Walang Hanggan” ang kakahinatnan ng karakter ni Rita Avila. Mario Dumaual, Patrol ng Pilipino
 

06/06/2012 10:38 PM