Mga Pinoy, dagsa sa 'Idol' auditions sa LA

Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Dalawang linggo pa lamang matapos ang season finale ng Season 11, umpisa na naman ng paghahanap sa Season 12 “American Idol.”

Sa Dodger's Stadium sa Los Angeles, alas-5 pa lang ng umaga nakapila na ang marami para mag-parehistro sa audition.

Habang naghihintay, nagpakita na ng galing ang mga aspiring contestants.

Mula sa iba-ibang lugar sa Amerika ang mga dumayo rito.

"We’re looking for good singers with good stories, people that have big personalities that can show that off. We’re looking for that kind of personalities that really kind of shines,” sabi ni Patrick Lynn, isa sa mga Idol producers.

Si Bryant Tadeo na nakasama ni Jessica Sanchez sa top 90 sa nakaraang season, balik-audition ulit at inspirasyon ang tagumpay ni Jessica.

"I grew up watching ABS-CBN and TFC and watching the Filipino females, they have that big voice so I was just glad she was there. But, yeah, I'm back this year hoping to represent Filipinos and Hawaii and just show that we have what it takes,” sabi ni Bryant.

Pero ayon naman sa iba, mas malaking inspirasyon daw sa kanila ang nakitang pagkakaisa at suporta ng mga Pinoy para sa kababayan.

"Nakita ko po yung sense of community dito sa Amerika, just getting together and supporting a filipino. i thought it was beautiful, i thought it was great,” sabi ni Crissa Dizon.

Bagama't nabigong makuha ng Pinoy ang korona, tuloy pa rin daw ang laban.

"I think that us Filipinos should really try our hardest and gave it our all,” sabi naman ni Jamie Rodrigo.

Ang mga hindi makakapag-audition dito sa Los Angeles ngayong linggo ay maaari ding sumubok sa San Antonio, Texas sa isang linggo kung saan magaganap ang next batch ng audition sa American Idol. Yong Chavez, Patrol ng Pilipino, Los Angeles, California

06/06/2012 10:46 PM