Bianca Gonzalez kinasuhan ng libelo ni Amalia Fuentes

Watch more shows on iWantv or TFC.tv
Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Kalmado nang dumating, pero nang pag-usapan na ang kasong libelo na isinampa kay Annabelle Rama, bumuhos na ang emosyon ng beteranang aktres na si Amalia Fuentes.

“Mas gusto ko munang mag-usap kami, lalo na kung si Eddie, kasi gusto ko munang maayos. At this point of my life, all I want is just to be left with some respectability and integrity,” sabi ni Amalia.

Nakapaloob dito ang 11 counts ng libel dahil sa mga mensahe sa Twitter ni Annabelle na nakakasira umano sa kanyang reputasyon at imahe.

“The court will take over. Nakita mo naman na kahit ‘yung pinakamataas na mahistrado sa bansang ito ay kailangang sumunod sa law,” sabi pa ni Amalia.

Dawit na rin sa kaso ang host/writer na si Bianca Gonzalez dahil sa kanyang artikulo sa isang pahayagan noong February 12 na wala umanong panig ni Amalia.

“It is her column, and Bianca could’ve easily checked with me,” ani Amalia.

May mensahe rin si Amalia kay Bianca.

“Bianca, I don’t know you personally, but hija, take a seminar, take some lessons on what to write if you are planning to write more columns para hindi ka na masama sa libel case. I hope that this will be your last, hija,” sabi ni Amalia.

Sa ipinadalang text message ni Bianca, nangangako siyang magbibigay ng pahayag tungkol dito bukas.

Ayaw din munang magsalita ng kampo ni Annabelle, ayon sa kanyang abogadong si Howard Calleja.

Samantala, pinag-iisipan na rin ni Amalia ang civil lawsuit kay Annabelle. Ginger Conejero, Patrol ng Pilipino

06/13/2012 9:52 PM