Gerald at mga magulang ni Sarah OK ang samahan

Watch more shows on iWantv or TFC.tv
Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Total performance, mula sa dancing at singing, ang pasabog sa two-night birthday concert ni pop princess Sarah Geronimo.

Twenty-four years old na sa July 25, at maagang regalo kay Sarah ang kilalanin ngayong “Most Favorite Singer” ng Cartoon Network.

Ito’y base sa survey ng mga batang Pinoy na pito hanggang 14 na gulang.

Sa kasikatang tinatamasa, may mahihiling pa ba ang pop superstar?

“Mag-mature as a person and artist, ‘yung faith ko sa Diyos, sa plans Niya for my personal life, career at love life,” ani Sarah.

Ngayon, pagbubuking ni Sarah: ang magandang pakikitungo ng nauugnay sa kanyang si Gerald Anderson sa kanyang magulang.

“At least, may taong talagang humaharap sa kanila. First time nangyari ‘to,” sabi ni Sarah.

Pero mas maingat na raw si Sarah sa usaping love life.

“Ito ‘yung bagay na hindi talaga minamadali. Ang hirap, ang daming hiwalayan, masakit ‘pag ganoon eh,” sabi pa ni Sarah.

Hindi rin naging madali kay Julia Montes ang makamit ang tagumpay at karangyaan. Mula sa barung-barong noon, nakapagpundar ng bahay nitong Abril, at ngayon, natupad na rin ang pangarap ni Julia na makapagpatayo ng salon para sa kanyang lola na nagpalaki sa kanya.

“Happy ako kasi dream ito ng lola ko, na mapatayo ulit ‘yung salon dahil nga before natigil ‘yun dahil nga sinasamahan niya ako sa auditions,” ani Julia.

Kaya raw mas pagbubutihin niya ang pag-arte sa “Walang Hanggan.” Mabigat ang mga tagpo sa serye lalo’t tinutugis ang karakter ni Coco Martin na pinagbibintangang nagpapatay sa karakter ni Rita Avila.

06/19/2012 11:23 PM