Platelet count at potassium level ni Dolphy mababa


Matapos ang isinagawang tracheostomy o ang paggawa ng butas sa leeg para doon padaanin ang tubo para makahinga nang mabuti, nagkaroon ng "significant improvement" sa kondisyon ni Dolphy.

Ito'y ayon sa statement ng pamilya Quizon na binasa kanina sa media ni Dr. Eric Nubla, ang director ng Patient Relations ng Makati Medical Center.

Ayon sa pamilya ni Dolphy, maayos ang kanyang vital organs at patuloy ang iba pang improvement.

Nabanggit noong weekend na normal na ang heart rate at blood pressure niya.

Pero mababa pa rin ang platelet count niya kaya posibleng magpatuloy ang pagdurugo sa loob ng katawan niya.

Dahil dito, nagkakaroon din siya ng mga pasa sa katawan na senyales daw ng hematoma dahil sa mababang platelet count. Mababa rin ang potassium level niya, na mahalaga para sa maayos na paggana ng cells, tissues at organs sa katawan.

Patuloy naman ang blood transfusion kay Dolphy.

Ayon pa kay Dr. Nubla, posible rin siyang sumailalim sa dialysis sa mga susunod na araw na isang indikasyon na kahit papaano ay lumalakas ang katawan at bumubuti ang kondisyon niya.
 

06/25/2012 9:47 PM