BB Gandanghari, nag-model sa New York photo exhibit


Ang taas ng pressure kay Vice Ganda para sa kanyang “Todo-Sampol” concert sa Araneta Coliseum ngayong gabi.
 
Sana daw, mapantayan o mahigitan niya ang tagumpay ng nakaraan niyang concert.    

“Magma-magic ako, may mga ilu-ilusyon. ‘Yung sexy dance namin ni Cristine, nakakatawa. Nag-aral pa nga ako ng pole dancing e,” sabi ni Vice.
   
 Hindi naman ikinahiya ng napatalsik na Binibining Pilipinas World 2008 Janina San Miguel ang malusog niyang pangangatawan ngayon.
    
Malayo sa kanyang imahe nung ma-YouTube siya dahil sa mali-mali niyang Inggles sa question and answer portion sa pageant.
 
Nilinaw agad ni Janina, hindi siya nanganak.
    
Malakas lang daw siyang kumain dahil nag-aaral siya ngayon.
 
Lalaban din siya sa Pillow Fight, ang nauusong dibersyon ngayon ng kabataan sa buong mundo.

Malaking sorpresa naman ang mga bagong larawan ni BB Gandanghari na itinampok sa New York photo exhibit ng Pinay designer at photographer na si Farrah Carbonell Vlasov.
   
Mag-iisang taon na si BB sa Amerika kung saan siya nag-aaral ng fashion design at nagmomodelo.
 
Ayon sa pamilya ng dating si Rustom Padilla, taliwas sa mga espekulasyon, kuntento si BB at hindi nagpa-sex change. Mario Dumaual, Patrol ng Pilipino