'Mundo Man ay Magunaw' magtatapos na sa Biyernes

Watch more shows on iWantv or TFC.tv
Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Mapahirap o mayaman, inaapi o palaban, lahat mahusay na nagampanan ng batikang aktres na si Eula Valdez.

Nagmarka bilang Amor Powers sa “Pangako Sa ’Yo,” nagmarka rin si Eula bilang Olivia sa afternoon seryeng “Mundo Man ay Magunaw” na magtatapos na sa Biyernes. Hindi mapigilang maluha ng aktres sa farewell press conference ng serye.

“Sobrang nabibitinan ako. Nung latter part na ng samahan namin, doon talaga nag-bond ‘yung buong cast,” ani Eula.

Pero sa pagtatapos ng serye, ang bagong kabanata naman sa pag-arte ni Eula bilang Black Lily sa “Walang Hanggan.” Pero iba raw si Black Lily sa karakter niyang Amor Powers.

“Nakita lang nakabihis, Amor Powers na agad? Kalimutan muna natin si Amor Powers. Pagbigyan niyo naman ang ibang karakter,” sabi pa ni Eula.

Misteryosa si Black Lily -- laging naka-itim, at mahilig sa bulaklak na black lily. At sa pagpasok ng bagong karakter, inaasahan pang lalakas ang ratings ng nangungunang serye sa primetime.

“Hindi ko rin 'yan iniisip, ayokong problemahin ‘yan. Problema nila ‘yan. Basta ako, para sa’kin, kinuha nila ako, ako gagawin ko kung ano ‘yung ginagawa ko parati,” ani Eula.

Makikilala na si Black Lily sa “Walang Hanggan” sa mga darating na araw. Ginger Conejero, Patrol ng Pilipino
 

07/03/2012 11:11 PM