'It's Showtime' pays tribute to Dolphy

Posted at 07/11/2012 12:34 PM

MANILA, Philippines -- The hosts of ABS-CBN's noontime show "It's Showtime" paid their last respects to the country's "King of Comedy" Dolphy on Wednesday.

Vice Ganda, Vhong Navarro, Ryan Bang, Jugs Jagueta, Teddy Corpuz, Ryan Bang and Jhong Hilario observed a moment of silence and offered a prayer for the veteran comedian, who passed away on Tuesday night.

"Lord, nagpapasalamat po kami sa inyong pagbibigay sa amin ng isang Tito Dolphy na nagpangiti, nagpatawa at nagpasaya sa aming lahat sa loob ng ilang henerasyon. Itinataas din namin sa inyo ang kalungkutan nararamdaman naming lahat dahil ito na ang panahon ng kanyang pagbalik sa inyo," said Navarro, who starred with Dolphy on the ABS-CBN sitcom "Home Along Da Riles."

"Mang Dolphy, Tito Dolphy, Tatay Dolphy, Pidol isa kang inspirasyon 'di lang sa kasamahan mo sa industriya kung hindi sa mga pangkaraniwang tao. Nabahagian mo ng saya at inspirasyon ang mga taong nakakaramdam ng kalungkutan. Inspirasyon ka dahil sa pagiging mabuting ama at tapat na kaibigan.

"Pabayaan mo kaming malungkot at umiyak sa oras na ito, Tito Dolphy, dahil isa kang malaking kawalan sa aming buhay. Pabayaan mong paulit-ulitin namin sa aming mga alaala ng iyong tinig ang iyong pangaral at halakhak. Pabayaan mong pansamantalang tumigil ang aming mundo dahil nakasanayan naming kasama ka.

"Mananatili kang Haligi ng Komedya, mananatili ka sa aming isip at puso. Paalam Tito Dolphy, maraming maraming salamat sa iyo," Navarro said.