Erich masaya sa balik-tambalan nila ni Enchong


Papainitin ang tag-ulan ng Pinoy version ng 90's Mexicanovela na “Maria la del Barrio.”

Gagampanan ni Erich Gonzales ang karakter na unang pinagbidahan ng Mexican superstar na si Thalia; kuwento ng pag-ibig at pagdurusa ng babaeng lumaki sa hirap.

Magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ni Erich.

Kaabang-abang din daw ang mga sexy scenes nila ni Enchong bilang si Luis Fernando.

“Very, very light lang ang patong niya sa akin. Ha ha ha. Sa side lang,” sabi ni Erich.

Pinatunayan ni Erich, isa siya sa hottest young stars ngayon.

Napabalita rin na may posibilidad na makatambal niya sa proyekto ang Thai heartthrob na si Mario Maurer na bida sa romantic-comedy film na "Crazy Little Thing Called Love."

“Masaya po ako. Salamat po sa kanila. Tignan po natin kung matutuloy po,” sabi ni Erich.

Samantala naungkat din ng media ang naging iringan nina Erich at Angelica Panganiban.

Ito’y kasunod ng isyu noon na ipinakilala ni Derek si Erich sa kanyang ina.

Pero si Erich, ayaw na raw buhayin ang intriga.

“Pasensya na, sana po maintindihan niyo, pero sabi kasi ng Star Magic huwag na mag-comment. Wala naman po akong kailangan i-react dahil nasagot na po iyon,” sabi ni Erich.

Sa kabila ng negatibong isyu, inuulan ng biyaya si Erich lalo’t magsisimula na ang serye nilang  "Maria la del Barrio" sa Agosto 15.