Kandidata ng Miss Universe nagpasiklaban
Kaliwa’t-kanan ang mga naka-hilerang events ng mga kandidata ng Miss Universe 2010.
Dahil dito, abalang-abala ang 22 anyos na pambato ng Pilipinas na si Maria Venus Raj.
“Ako, bilang isang Pilipina, ginagawa ko lang yung best na kaya kong gawin. Hindi mo kailangan mag-pretend. Hindi mo kailangan mag kunwari kung ano ang gusto mong gawin. Just be yourself and everything will go smoothly,” sabi ni Raj.
“For this bikinis I wanted to do something that is very pretty but at the same time very rock and roll and chic,” sabi ni Tala Raasi, swimsuit designer ng Miss Universe 2010.
Matapos ang Mandalay Bay pictorial sa umaga, dumalo ang 83 kandidata sa Freemont Street Experience sa downtown, Las Vegas para sa isang concert ng bandang Neon Trees.
Naki-sayaw ang ibang mga kandidata kasama si Miss Philippines.
Samantala, todo suporta naman kay Venus ang mga kababayang Pinoy na nagdala pa ng bandila ng Pilipinas.
Rumampa din ang mga kandidata sa The Terry Fator Show sa Mirage. Kasamang dumating ni Miss Philippines sina Miss Australia, Miss Peru, Miss Haiti at Miss Peru.
Nang makaakayat ng theater, game na game na sa pag-pose si Miss Philippines habang kinukunan ng mga camera ng media.
Sampung araw na lang bago ang coronation night ng Miss Universe 2010 sa Mandalay Bay Hotel and Casino.
Inaasahan namang mas magiging busy sa susunod na araw ang pambato ng Pilipinas na si Venus Raj.
Live mapapanuod sa ABS-CBN ang gagawing coronation sa Miss Universe. Bev Llorente, Patrol ng Pilipino, Las Vegas, Nevada
08/14/2010 11:23 PM








Kandidata ng Miss Universe nagpasiklaban
Sana maiuwi ni Miss Philippines ang korona!
this time around
wel, well, well... sana wala ng controversies like the last time.