Showtime, nasa bagong timeslot na


Ang tindi ng energy ng hosts at madlang pipol ng "Showtime!" Hindi akalain ng hosts na darating ang oportunidad na male -level up sila bilang mga bagong haligi ng noontime TV.     

Mula morning show, nasa pantanghaling timeslot na ang "Showtime" sa bagong nitong oras na 11:45 a.m. hanggang 1.30 ng hapon.

Kinakabog man, tiwala si Vhong sa  malakas na  chemistry nilang hosts, na dama rin, kahit naka-break sa ere ang show.

Pansamantalang kapalit ng pambansang hurado na si Vice Ganda, bigating judge si Big Brother na nagpasikat pa!

Matagumpay na nairaos ng buong cast at produksyon ang Showtime sa unang episode nito sa bago nilang timeslot kanina. May bonus pa mula kina Vice Ganda at Kuya Kim!

Sa pamamagitan ng Skype, nakapiling ng tropa si Vice Ganda na may show sa Liverpool, England.

Sa unang pagkakataon, nagpakita rin si Kuya Kim Atienza, na nagpapagaling pa mula sa kanyang kuwarto sa Makati Medical Center. Ayon mismo sa kanyang doktor, mabilis at tuloy-tuloy ang recovery ni Kuya Kim.     

Ayaw namang magpahuli ni Anne, na nagbanta na dadami pa ang kanyang song numbers

Hindi pa natatapos ang saya sa Showtime, na susundan ng pinabonggang Pilipinas Win na Win. Mario Dumaual, Patrol ng Pilipino

08/16/2010 9:55 PMBookmark and Share

2 comments

No to Showtime

Never nagustuhan ng family namin amg Showtime and these include my 76 year-old parents who watch on TFC. Puro tumbling ang ginagawa ng contestants nung unang mapanood namin ang show. Maybe Showtime is successful in RP dahil mas mariming nakakajoin as participants at nabibigyan ng exposure pero ang bottomline, repetitive lahat. Walang variety and ang mga hosts, over rated ng fans nila. Tell Anne to dress up more. Masyadong maiikli damit nya, very un-Filipina. Oh, Australian nga pala sya. Never mind. PWNW is a nice welcome on TV. Masyado lang nagsasauffer si Kris sa criticism na totally uncalled for. Same with Pokwwang. PWNW, go on with the show!

Salamat!

MEANING HINDI PA MAN LAOS NA ANG WIN NA WIN

Dapat palitan ang Win na Win ng Lose na Lose, but please, alisin ang name ng Pilipinas at baka madamay pa sa kamalasan ni Kris Aquino.

Talaga namang mas maganda ang Showtime lalo na ang style ng hosting ng mga artista dito, walang lull. Halata mong nagbibigayan at walang naghahari-harian. May closeness, ang sa Win na Win, hindi mo ma-feel ang closeness at belongingness and kanya-kanya na lang ng isip ng gagawin, kasi halatang naghihintay ng cue mula kay Kris. Doon naman sa perfect combination, pag nagsasayaw si Kris, akala mo may ninanamnam na kung ano, wala naman sa tono ang sayaw, at may papikit pikit pa. Hindi bagay at hindi cute, ang tanda na para magpa-cute. Kakahiya at kakadiri. Palibhasa wala naman talagang talent kundi dumaldal, na sawa na ang tao. Huwag ninyo siyang ipares kay Oprah kasi si Oprah kita mo ang sincerity sa actions niya while on tv, na hindi mo makita kay Kris. And Kris should listen to Oprah's advice to Charice, "Always keep your feet on the ground, even though your shoes is better"