Mga kandidata sa Miss Universe, rumampa


Iba-ibang klase ang ganda ng mga Miss Universe candidates. Matindi ang kompetisyon.

Nandiyang siyempre ang mga Latina. Isa sa mga paborito si Miss Mexico, at ang 23-anyos na si Miss Colombia, stunning rin.

Sexy at sweet si Miss Peru at Miss Costa Rica. Exotic si Miss Spain .

Agaw eksena rin ang blonde na sina Miss Switzerland at Miss Sweden.

Napapatingin rin ang lahat sa mga super tangkad na sina Miss Canada at Miss Dominican Republic

Sa fashion show kagabi sa harap ng Mandalay Bay Hotel pumorma ang mga kandidata.

Parang manyika ang beauty ni Miss Ukraine. Super sexy si Miss Slovak Republic na kakulay ng balat ang maiksing outfit

Naka -violet gown si Miss Paraguay. Dramatic ang red lipstick ng dark beauty na si Miss Jamaica.

Di nagpatalo ang mga European beauties na sina Miss France, Georgia at Germany. Muscle sa tiyan ang ipinagmalaki ni Miss Uruguay.

Malakas rin ang palakpak para sa Asian beauties tulad nina Miss Indonesia, at siyempre ang pambato ng Pilipinas na si Venus Raj.

Good mood si Venus lalo na kapag may mga nakikitang mga Pinoy

Mapanalunan ang Miss Universe crown 2010 -- ito ang dream ng mga kandidata dito sa Las Vegas. Alam ng bawa't isa na mag-iiba ang  kanilang mundo kapag makuha ang titulong Miss Universe.

Sa August 24 malalaman natin kung sino ang mapalad na dalaga. Dyan Castillejo Patrol ng Pilipino, Las Vegas, Nevada.

08/16/2010 9:57 PMBookmark and Share

1 comment

Mga kandidata sa Miss Universe, rumampa

Go, go, go, Miss Philippines! We are looking forward to watch you on August 24!

http://KapitBisig.com gives access to information and knowledge about Philippines. It aspires to be the premier online info-sharing and research website on Philippine-related topics.