2 dating Miss Universe ipinagtanggol si Venus


Ipinagmamalaki ng mga Pinoy saan mang panig ng mundo ang gandang Pinay na umabante sa Miss Universe top 5.

Iyong nga lamang, pinuna ng ilan na sablay sa "Question and answer" portion si Venus Raj. May ibang ginawa itong katatawanan sa cellphone.

Nanghihinayang din sina Miss Universe 1969 Gloria Diaz at Miss Universe 1973 Margie Moran na nasilat ang panalo ng sana'y pangatlong Pinay Miss Universe.

Pero winner pa rin ang turing nila kay Venus.

Sana maintidihan daw ng manonood ang tindi ng pressure sa beauty queen.

Matatandaang parang sumuot sa butas ng karayom si Venus bago ang laban sa Miss Universe. Mula sa kahirapan at duda sa kanyang citizenship na sanhi ng muntik niyang dethronement.

Sana lamang daw ang mga pinagdaanang ito ni Venus ang pinaghugutan niya ng sagot sa Miss Universe.

Pero sa gitna ng samu't saring puna, hindi raw mawala ang kahulugan ng tagumpay ni Venus sa Miss Universe.

Hula pa ni Gloria mas malayo pa ang mararating ni Venus bilang international fashion model. – Mario Dumaual, Patrol ng Pilipino

08/24/2010 11:28 PMBookmark and Share

2 comments

VENUS' Q&A PULLED HER DOWN

NO DOUBT VENUS WAS THE NUMBER 1,CONTENDER TO THE CROWN BECAUSE OF HER EXOTIC BEAUTY, THE PERFECT BODY FIGURE AND THE WAY SHE WALKS ...SO REGAL, QUEENLY AND WITH GRACE....BUT HER ANSWER TO THE QUESTION WAS SO FAR AWAY FROM THE POINT...THAT'S WHAT PULLED HER DOWN....WHAT A WASTE! TSK.TSK...


Beauty and... Brains?

Hindi ako eksperto sa mga beauty pageant pero ang alam ko para ka makasama sa top 5 you'be got to be beautiful (in swimsuit, gowns, etc). Obviously pasado si Ms. Phils. Pero para ka makasama sa top 3 you've got to have brains. Obviously,... I don't want to comment. Congratulations to Ms Phils. anyway. It still is something to make it to top 5.

~~~ Had you been given a choice, would you have chosen to be born Filipino?...