Gabby, dumistansiya sa usaping KC-Piolo


Nauna nang nagsalita si Sharon Cuneta sa umano’y pinagdadaanan ng relasyon nina KC Concepcion at Piolo Pascual.

Kagabi, sa kaarawan ni Cesar Montano at iba pang kaibigan, si Gabby Concepcion naman ang pinutakti ng media tungkol sa isyu.

“It’s not my life, I don’t know what’s going on. I trust Piolo sa relasyon nila. If it works out I’m happy for them. If not, life is like that eh. Ganyan talaga ‘yun,” sabi ni Concepcion.

Tumanggi din si Concepcion na magbigay ng mensahe kay Piolo, na 10 buwan nang kasintahan ng anak niyang si KC.

“Wala akong pakialam sa relationship nila. It’s theirs, not mine. I just wish them the best,” sabi ni Concepcion.

Wala pang pahayag sa isyu si Piolo na naghahanda sa kanyang show sa Malaysia.

Inaasahan namang magsasalita na si KC sa “The Buzz” ngayong Linggo.

Samantala, looking forward si Gabby sa reunion movie nila ni Sharon.

Handa na rin daw siya kung meron silang matitinding kissing at bed scenes.

“I'm all for it, why not? Kung ‘yan ang gusto ng tao, gusto ko rin ‘yan. Wala akong kondisyon, I'm open, kahit na ano,” sabi niya.

Kasalukuyang ginagawa ngayon ni Gabby ang revival ng “P.S. I Love You” na una nilang pinagtambalan ng Megastar. Mario Dumaual, Patrol ng Pilipino